Mga Notification: nakaiskedyul na digest

Pinagsasama-sama ng nakaiskedyul na digest ang lahat ng pang-araw-araw na push notification na matatanggap mo sa buong araw mula sa YouTube app, at isang notification sa digest na lang kada araw ang ipapadala nito sa iyo. Puwede kang magtakda ng partikular na oras kung kailan mo matatanggap ang iyong nakaiskedyul na digest.

Tandaan: Pinagsasama-sama ng nakaiskedyul na digest ang lahat ng push notification kabilang ang mga notification ng mga live stream, pag-upload, at komento. Sa pamamagitan ng pag-enable sa feature na ito, posibleng natapos na ang isang live stream bago mo pa ito makita.

“Naka-off” ang nakaiskedyul na digest bilang default. 

Para i-on at i-customize ang iyong nakaiskedyul na digest ng mga notification: 

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile 
  2. I-tap ang Mga Setting
  3. I-tap ang Mga Notification.
  4. I-tap ang Nakaiskedyul na digest.
  5. I-tap para i-customize ang gusto mong oras ng delivery.  

Matuto pa tungkol sa pamamahala ng iyong mga notification dito

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?