Paalalang magpahinga

Ang paalalang magpahinga ay nagbibigay-daan sa iyong magtakda ng paalala para magpahinga habang nanonood ng mga video. Ipo-pause ng paalala ang iyong video hanggang sa i-dismiss mo ito o ipagpatuloy mo ang pag-play sa video. Ang feature na ito ay available sa bersyon 13.17+ ng YouTube app sa mga mobile device.

Tandaan: Para sa mga user na 13–17 taong gulang sa YouTube, nakatakda ang paalalang magpahinga sa “Naka-on” bilang default. Para sa mga user na 18 taong gulang pataas, “Naka-off” ang default na setting. Puwede mong baguhin ang setting na ito anumang oras.
Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Itakda ang iyong paalalang magpahinga:

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Mga Setting .
  3. I-tap ang Pangkalahatan.
  4. Sa tabi ng Ipaalala sa aking magpahinga, i-tap ang switch para gawin itong Naka-on  o Naka-off .
    • Kung gagawin mo itong “Naka-on," piliin ang iyong Dalas ng paalala at i-tap ang OK.
Tip: Puwede ka ring magtakda ng mga paalalang magpahinga sa pamamagitan ng pag-tap ng iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Tagal ng Panonood.

Kapag nakatanggap ka ng paalala, puwede mong i-tap ang I-dismiss para magpatuloy sa panonood ng video. Puwede mong i-tap ang Mga Setting para i-edit ang dalas ng paalala o i-on o i-off ang paalala. 

Tandaan:

  • Kung isasara mo ang app, magsa-sign out ka, magpapalit ka ng device, o ipo-pause mo ang isang video nang mahigit 30 minuto, magre-reset ang timer.
  • Hindi tatakbo ang timer habang nanonood ng mga offline na video o nagka-cast mula sa iyong telepono.


 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1107595073513842358
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false