Puwede mong gamitin ang data ng natatanging manonood para makakuha ng mas malinaw na ideya sa laki ng iyong audience, o sa tinatantyang bilang ng mga manonood na pumunta para panoorin ang mga video mo sa isang partikular na yugto ng panahon. Nanonood man sila sa computer o mobile, o nanood sila nang mahigit isang beses, binibilang na isang natatanging manonood iyon.
Sinusukat ng data ang kabuuang bilang ng mga taong nanonood ng video o channel sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng mga pagkakataon kung saan posibleng manood ang manonood ng content sa magkakaibang device o kung saan maraming manonood ang gumagamit ng iisang device. Isinasama ng system ang data mula sa mga device at ang naka-sign in at naka-sign out na trapiko para tantyahin ang bilang ng mga manonood.
Para sa kalidad ng data, available nang hanggang 90 araw ang kabuuang bilang ng mga natatanging manonood. Puwede kang maghambing ng iba't ibang 90 araw na timeframe para makita ang mga pagbabago sa paglipas ng panahon. Ang data para sa mga natatanging manonood ay available mula Agosto 1, 2017.
Para sa Shorts, ginagamit ang mga engaged na panonood para matantya ang mga natatanging manonood at maisalamin ang mga taong nanatili para panoorin ang content.
Hanapin ang data ng mga natatanging manonood mo
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang Menu, piliin ang Analytics
.
- I-click ang tab na Audience para tingnan ang iyong Mga natatanging manonood.
FAQ tungkol sa mga natatanging manonood
Paano ko magagamit ang data na ito?- Puwede mong tingnan ang iyong average na bilang ng mga natatanging manonood na nanood sa channel mo sa pamamagitan ng pagtingin sa sukatang “Average na mga panonood bawat manonood” sa tab na TUMINGIN PA.
- Ihambing ang laki ng iyong audience sa subscriber base mo at tukuyin ang mga video na nakatulong sa iyong magkaroon ng mas malawak na audience bukod pa sa mga subscriber mo.
- Tukuyin ang mga sitwasyon kung saan nakahimok ang iyong video ng bagong audience base sa pamamagitan ng paghahambing ng mga natatanging manonood ng channel mo bago at pagkatapos i-publish ang video.
- Puwede mong gamitin ang impormasyong ito para maging gabay sa iyong diskarte sa content.