Baguhin ang iyong mga setting ng pag-verify ng pagbili para sa mga pagbili sa YouTube

Makakatulong kang maiwasan ang mga hindi sinasadyang pagbili sa YouTube sa iyong device sa pamamagitan ng pag-on sa pag-verify ng pagbili. Sa pag-verify ng pagbili, kakailanganing ilagay sa iyong device ang ilang partikular na impormasyon, tulad ng password ng Google Account mo, para makabili sa YouTube. Naka-on ang setting na ito bilang default, at nalalapat ito sa bawat device na nauugnay sa iyong Google Account.

Tandaan: Kung kinakailangan, puwede mong baguhin o i-reset ang password ng iyong Google Account anumang oras.

I-on ang pag-verify sa pagbili

Hindi mo kailangang manual na i-on ang pag-verify sa pagbili — naka-on ito bilang default sa level ng account. Maaapektuhan ang anumang device na nauugnay sa iyong Google Account kapag na-on o na-off mo ang mga setting ng pag-verify.

I-off ang pag-verify sa pagbili

Piliin ang opsyong tandaan ang iyong account kapag bumibili sa YouTube. Io-off nito ang pag-verify ng pagbili sa lahat ng device na nauugnay sa iyong Google account.
Tandaan: Puwedeng mauwi sa mga hindi pinapahintulutang pagbili kapag na-off ang pag-verify ng pagbili. Sa pamamagitan ng pag-off sa pag-verify ng pagbili, ikaw ang magbabayad sa lahat ng singil.

I-enable ulit ang pag-verify sa pagbili

Mare-restore mo ang pag-verify ng pagbili anumang oras mula sa mga setting ng iyong YouTube account.
  1. Buksan ang YouTube app o pumunta sa youtube.com.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Mga setting ng account," piliin ang Pagsingil at mga pagbabayad.
  4. I-tap ang I-enable ang pag-verify ng pagbili.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18280249893682673911
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false