Paggamit ng picture-in-picture sa iyong mobile device

Pinapaliit ng picture-in-picture (PiP) ang isang video sa maliit na player para patuloy kang makapanood habang gumagamit ng iba pang app sa iyong mobile device. Puwede mong ilipat-lipat ang maliit na player sa home screen ng iyong device at ipatong ito sa iba pang app.

Paano gamitin ang picture-in-picture sa iyong mobile device

Paggamit ng picture-in-picture

Para gamitin ang picture-in-picture (PiP), lumabas sa YouTube app habang nagpe-play ang isang video. Kung na-on mo ang setting ng PiP, liliit ang video para maging PiP na window. Mada-drag ang PiP na window sa iba't ibang bahagi ng screen, na nagbibigay-daan para magpatuloy ang pag-playback kahit na gumamit ka ng iba pang app. Puwede mong i-pause o ihinto ang pag-play ng isang video bago ka lumabas sa YouTube para maiwasang mag-on ang PiP.

Magagamit mo ang picture-in-picture (PiP) para manood ng content sa buong YouTube, gamit ang membership sa YouTube Premium. Kung wala kang YouTube Premium at nasa United States ka, magagamit mo pa rin ang PiP, pero may ilang partikular na content kang hindi mapapanood, tulad ng mga music video.

Tandaan: Kung nasa labas ka ng US, kakailanganin mo ng membership sa YouTube Premium para magamit ang PiP sa anumang content sa YouTube.

Pag-OFF sa picture-in-picture

  1. Pumunta sa iyong mga setting ng Android And then Mga app at notification And then Advanced And then Espesyal na access sa app And then Picture-in-picture.
  2. I-tap ang YouTube.
  3. Para i-off, i-tap ang Payagan ang picture-in-picture

Pag-ON sa picture-in-picture

  1. Pumunta sa iyong mga setting ng Android And then Mga app at notification And then Advanced And then Espesyal na access sa app And then Picture-in-picture.
  2. I-tap ang YouTube. 
  3. Para i-on, i-tap ang Payagan ang picture-in-picture.
  4. Pumunta sa mga setting ng iyong YouTube app  And then Pangkalahatan.
  5. I-on ang Picture-in-Picture .

Pagsara sa picture-in-picture na window

May dalawang paraan para isara ang picture-in-picture na window:

  • I-tap ang PiP player para ipakita ang mga kontrol, at pagkatapos ay i-tap ang X sa kanang sulok sa itaas ng PiP player. 

o

  • I-drag ang PiP player sa ibaba ng screen.
Tandaan: Kapag nag-dismiss ka ng picture-in-picture na window, may bubukas na notification na magbibigay-daan sa iyong ipagpatuloy ang pag-playback sa Background Play mode.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16340564158819449735
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false