Bilisan o bagalan ang mga video sa YouTube

Puwede kang mag-play ng video sa iba't ibang bilis o mag-fast forward at mag-rewind ng mga video sa maraming device.

Tandaan: Dahil sa performance, dapat ay gumagamit ka ng bersyon 5.0 ng Android o mas bago para makapag-play ng mga video sa iba't ibang bilis.

Pumunta sa isang video.

  1. I-tap ang video nang isang beses, pagkatapos ay i-tap ang Higit pa ''.
  2. I-tap ang Bilis ng Pag-playback.
  3. Piliin kung gaano kabilis mo gustong i-play ang video.

Para mag-fast forward o mag-rewind ng isang video nang 10 segundio:

  • Para mag-rewind, i-double-tap ang kaliwang bahagi ng screen ng video.
  • Para mag-fast forward, i-double tap ang kanang bahagi ng screen.

Para mag-fast forward ng video nang 2 beses ng normal na bilis: 

  1. Mag-tap at mag-hold kahit saan sa video. 
  2. Para ihinto ang pag-fast forward, iangat ang iyong daliri.

Matuto tungkol sa mga feature na tumutulong sa iyong kontrolin ang experience mo sa panonood sa YouTube

Mga Smart TV at streaming device

Tandaan: Posibleng hindi sa lahat ng smart TV at streaming device available ang bilis sa pag-playback.
  1. Sa page sa panonood ng video, piliin ang Mga Setting .
  2. Piliin ang Bilis.
  3. Piliin kung gaano kabilis mo gustong i-play ang video.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7214417426305755937
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false