Puwede kang mag-play ng video sa iba't ibang bilis o mag-fast forward at mag-rewind ng mga video sa maraming device.
- Pumunta sa isang video.
- Mag-hover sa player at i-click ang Mga Setting .
- I-click ang Bilis.
- Piliin kung gaano kabilis mo gustong i-play ang video.
Para mag-fast forward:
1. Mag-click at mag-hold nang matagal kahit saan sa video para i-play ito nang 2 beses ng normal na bilis.
2. I-release ang pag-click mo para ihinto ang pag-fast forward.
Matuto tungkol sa mga feature na tumutulong sa iyong kontrolin ang experience mo sa panonood sa YouTube
Mga Smart TV at streaming device
Tandaan: Posibleng hindi sa lahat ng smart TV at streaming device available ang bilis sa pag-playback.
- Sa page sa panonood ng video, piliin ang Mga Setting .
- Piliin ang Bilis.
- Piliin kung gaano kabilis mo gustong i-play ang video.