Hindi gumagana ang pag-play sa background

Ang pag-play sa background ay gumagana lang sa mga YouTube mobile app at nagre-require ng membership sa YouTube Premium. Hindi available ang ilang video para sa pag-play sa background o para ma-download offline, kahit mayroon kang channel membership. Suriin ang mga hakbang sa ibaba para sa tulong sa paglutas ng iyong isyu.

Mga karaniwang hakbang sa pag-troubleshoot

 I-restart ang YouTube app o i-reboot ang iyong device

Kung matagal-tagal nang tumatakbo ang YouTube app o ang iyong mobile device, posibleng hindi na sapat ang mga resource para maayos na gumana ang pag-play sa background. Subukang isara ang YouTube app o i-reboot ang iyong telepono.

Tiyaking hindi pa nag-e-expire ang iyong membership

Tiyaking hindi pa nag-e-expire ang iyong membership sa YouTube Premium. Sa YouTube app, i-tap ang iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Mga binabayarang membership at mag-scroll pababa sa Pamahalaan.

Kung nawalan ka ng access sa YouTube Premium kamakailan at nag-subscribe ka ulit dito, tandaang aabutin nang ilang oras bago maging available ulit ang mga na-save na video pagkatapos mong mag-subscribe ulit. Kung kailangan mong mapanood kaagad ang isang video, i-tap ang Higit pa ''at piliin ang Subukan ulit ang pag-download.

Subukang mag-sign in ulit sa YouTube Premium

Tiyaking naka-sign in ka sa account na nauugnay sa iyong membership sa YouTube Premium:

  • Subukang mag-sign out at mag-sign in ulit sa account na nauugnay sa YouTube Premium.
  • Tiyaking ang logo ng YouTube Premium ang nakikita mo sa YouTube (sa halip na ang logo ng YouTube).

Alamin ang availability ng YouTube Premium sa iyong lokasyon

Gumagana lang ang mga benepisyo ng YouTube Premium sa mga bansa kung saan available ang YouTube Premium. Alamin kung ikaw ay nasa isang lokasyong may YouTube Premium.

Tingnan ang iyong mga setting ng pag-playback sa background

Tingnan ang iyong mga setting ng pag-playback sa background sa YouTube app para matiyak na hindi mo na-disable ang setting.

I-update ang iyong YouTube app

Tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng YouTube app. Bisitahin ang app store ng iyong device at tingnan kung mayroon kang anumang nakabinbin na update para sa YouTube app.

Kung may bago kang telepono, o kung ni-restore mo ang iyong telepono kamakailan, puwedeng luma ang bersyon ng YouTube app nito (hal., itinuturing na luma ang mga bersyong nauna sa 12.0).

Tingnan ang mga setting ng mobile data ng iyong telepono

Tingnan ang mga setting sa iyong mobile device para matiyak na na-enable mo ang data sa background para sa YouTube.

Mga karagdagang hakbang na puwedeng subukan

I-verify na wala nang iba pang app na nagpe-play ng audio

Tingnan ang iba mo pang nakabukas na app para matiyak na hindi nagpe-play ng audio ang alinman sa mga ito. Hindi gagana ang pag-play sa background habang may iba pang app na nagpe-play ng audio.

Tingnan ang lakas ng iyong koneksyon sa internet

Sa pag-download ng mga video, kailangan ng malakas na koneksyon sa internet. Tiyaking nakakonekta ang iyong device sa Wi-Fi network na 3Mbps o mas mabilis pa, o kaya ay sa isang mobile network na may data plan na sumusuporta ng bilis ng 3G, 4G, o LTE. Kung hindi ka sigurado kung gaano kabilis ang iyong kasalukuyang internet, puwede mong subukan ang iyong bilis online.

Tingnan ang mga setting ng notification ng iyong telepono

Tiyaking hindi mo na-block ang lahat ng notification para sa YouTube app. Makukumpirma mo ito sa mga setting ng iyong device. Kung na-block mo ang mga notification, puwedeng hindi gumana nang maayos ang YouTube app at/o hindi nito ma-access ang internet sa background.

Kung sakaling mangyari ito, kakailanganin mong i-enable ulit ang mga notification sa YouTube sa antas ng OS, at kung ayaw mo pa ring makatanggap ng mga notification, puwede mong i-disable ang mga ito sa mga setting ng YouTube app.

Makipag-ugnayan sa suporta at magsumite ng feedback sa produkto

Kung nagkakaproblema ka pa rin, makipag-ugnayan sa suporta. Sa pakikipag-ugnayan sa suporta, pakibanggit ang sumusunod:
  • Pakisaad kung humihinto ang tunog kapag umaalis ka sa app, o kung ito ay nagpe-play nang ilang sandali ngunit humihinto nang hindi inaasahan.
  • Pakisaad ang anumang mensahe ng error na nakikita mo kapag bumabalik ka sa app.
  • Magsumite ng in-app na feedback.
Magpadala sa YouTube ng feedback sa produkto:
  • Puwede ka ring magsumite ng in-product na feedback. Hindi ka makakatanggap ng sagot, pero ibabahagi ang iyong feedback sa mga YouTube Product team.
  • Para magawa ito, piliin ang iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Feedback Feedback.
  • Tiyaking lagyan ng check ang box para sa "Mga log ng system." Makakatulong ito sa aming mas maunawaan ang iyong isyu.

 

Bumalik sa I-troubleshoot ang mga benepisyo ng miyembro ng YouTube Premium  

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10431892000571717529
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false