Ayaw ko ng mga notification

Nararanasan mo ba ang alinman sa mga karaniwang isyung ito?

  • Nakakatanggap ako ng mga notification mula sa mga channel at rekomendasyon kung saan hindi ako naka-subscribe.
  • Ayaw kong makatanggap ng mga notification mula sa mga channel kung saan ako naka-subscribe.
  • Hindi ako nakakatanggap ng mga notification dati at nakakatanggap na ako ng mga ito ngayon.
  • Ayaw ko ng mga push notification pero lumalabas ang mga ito sa YouTube app o sa aking computer.
  • Ayaw ko ng anumang notification.
  • Ayaw ko ng mga notification mula sa aking Chrome browser (computer lang).
  • Ayaw ko ng mga notification sa email (computer lang).

Para sa tulong, tingnan ang mga setting sa ibaba.

Suriin ang account kung saan ka naka-sign in

  1. Pumunta sa iyong larawan sa profile .
  2. Makikita mo kung sa aling account ka naka-sign in. Dapat ay naka-sign in ka sa account na may mga notification na gusto mong baguhin.
    • Kung ibang account ito, i-tap ang Lumipat ng account at piliin ang tamang account.
    • Kung hindi nakalista ang account, i-tap ang Magdagdag ng Account  sa kanang bahagi sa itaas.

Tingnan ang mga setting ng notification ng iyong app

  1. Pumunta sa iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Mga Settings .
  3. I-tap ang Mga Notification.
  4. I-tap ang mga slider para i-off ang mga opsyon sa notification.

Suriin ang mga setting ng iyong channel

  1. Pumunta sa iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Mga Setting .
  3. I-tap ang Mga Notification.
  4. I-tap ang Mga setting ng channel.
  5. Sa kanan ng bawat channel, i-tap ang .
  6. I-tap ang Wala .
  7. I-tap ang Tapos na.

Tingnan kung naka-off ang bell, pero tandaang posible ka pa ring makatanggap ng mga paminsan-minsang highlight. Kung ayaw mo rin ng mga highlight:

  1. Pumunta sa iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Notification.
  4. I-tap ang Mga Subscription para i-off.

Suriin ang mga setting ng iyong device

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng Android .
  2. I-tap ang Mga App at Notification.
  3. I-tap ang Tingnan ang lahat ng app.
  4. Mag-scroll pababa at i-tap ang YouTube .
  5. I-tap ang Mga Notification.
  6. Para i-off ang mga notification, i-tap ang Ipakita ang mga notification. Magiging gray ang banner na Ipakita ang mga notification.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10789044571497705395
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false