I-update ang YouTube app

Para sa pinakamagandang karanasan sa YouTube app, mag-update sa pinakabagong bersyon ng app. Nagpapadala kami ng mga update sa YouTube app para makakuha ka ng mga bagong feature, mas mabilis na karanasan, mga pag-aayos, at higit pa. Makakapanood ka pa rin ng mga video sa YouTube kahit wala ka ng pinakabagong bersyon ng app, pero puwedeng wala ka ng ilan sa mga pinakabagong feature.

I-update ang YouTube app sa iyong Apple TV

  1. Pumunta sa App Store sa iyong Apple TV.  
  2. Hanapin ang YouTube app.
  3. Piliin ang YouTube app.
  4. Piliin ang I-update. Kung wala ka ng opsyong ito, ibig sabihin ay up to day ang YouTube app.

I-update ang YouTube app

  1. Buksan ang Google Play Store app  Play Store.
  2. I-tap ang Menu Menuat pagkatapos ay Aking mga app at laro.
  3. May label na "I-update" ang mga app na may available na update.
  4. Piliin ang I-update Lahat para i-update ang lahat ng app. Para sa mga indibidwal na app, hanapin ang partikular na app na gusto mong i-update at i-tap ang I-update.

Kung minsan, posibleng kailanganin mong i-restart ang iyong device para i-update ang isang app. Matuto pa tungkol sa mga naka-automate na update.

Tandaan: Humihingi ang ilang app ng mga bagong pahintulot pagka-update sa mga ito. Puwede kang makakita ng notification na nagtatanong kung tinatanggap mo ang mga bagong pahintulot.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
59
false