Sumisikat na Creator at Sumisikat na Artist

Tandaan: Available ang feature na ito sa YouTube sa mga piling bansa at rehiyon sa mga computer at mobile device.

Bawat araw, may mga sumisikat na bagong creator at artist sa YouTube. Gusto naming i-share sa mundo ang ilan sa mga creator at artist na iyon para ipagdiwang ang pagkakaiba-iba at pagiging aktibo ng YouTube. At, gusto naming tulungan ang mga creator at artist na makahanap ng kanilang mga fan.

Hina-highlight ng YouTube ang mga sumisikat na creator at artist sa Trending:

  • Sumisikat na Artist: Nagpapakita ng mga bagong music video mula sa mga sumisikat na music artist
  • Sumisikat na Creator: Nagtatampok ng sumisikat na channel sa YouTube (hindi tungkol sa musika)
  • Sumisikat na Gaming Creator: Nagtatampok ng mga sumisikat na Gaming creator sa computer at mga mobile device

Ipinapakita sa Trending ang mga piniling artist at creator nang 24 na oras. Sa panahong iyon, magkakaroon din sila ng asul na badge na "Sumisikat na Artist" o "Sumisikat na Creator" na lumalabas kasama ng pangalan ng kanilang channel sa Trending. Matuto pa tungkol sa Trending.

Mga sinusuportahang bansa at rehiyon

  • Sumisikat na Artist: Canada, United States
  • Sumisikat na Creator: Australia, Brazil, Canada, France, Germany, Great Britain, India, Indonesia, Italy, Japan, Latin America, Malaysia, Mexico, Middle East, North Africa, Pakistan, Pilipinas, Poland, South Korea, Spain, Taiwan, Thailand, United States, Vietnam
  • Sumisikat na Gaming Creator: Japan, United States

Mga pamantayan sa pagpili

Itinatampok sa Sumisikat na Creator at Sumisikat na Artist ang mga baguhang papasikat na creator at artist sa YouTube. Walang proseso ng aplikasyon. Ang mga sumisikat na artist at creator na may mahigit 1,000 subscriber mula sa mga sinusuportahang bansang nakalista sa itaas ay awtomatikong kwalipikado sa kani-kanilang bansa. Tutukuyin ang bansa kung saan kwalipikado batay sa lokasyon ng channel, o sa lokasyon mula kung saan pinakamadalas nag-a-upload ang isang channel.

Iba't ibang salik ang isinasaalang-alang namin para tukuyin ang sumisikat na talento. Ang dami ng panonood, pagtagal ng haba ng panonood, at gaano kadalas nag-a-upload ng mga video ay ilan sa mga salik na tinitingnan namin. Sinusuri ng mga system at team ng YouTube ang mga pinili batay sa mga sukatang ito.

Notification sa pagpili

Kung napili ka bilang Sumisikat na Creator, makakatanggap ka ng email at notificatoin sa mobile mula sa YouTube sa araw na iyon. Kung posible, magti-tweet din kami mula sa Twitter handle ng aming lokal na creator para ipagdiwang ang pagkakapili sa iyo. Kung mayroon kang Twitter handle, babanggitin ka sa tweet.

Kung napili ka, puwede kang magkaroon ng mas maraming bisita sa iyong channel kaysa sa karaniwan. Puwede mong suriin ang mga setting ng iyong channel—lalo na kung paano mag-moderate ng mga komento sa mga video mo.

Hindi nakikita ang Sumisikat na Creator o Sumisikat na Artist sa Trending?

Ilang dahilan kung bakit hindi mo nakikita ang Sumisikat na Creator o Sumisikat na Artist sa Trending:

  • Hina-highlight ng YouTube ang mga sumisikat na creator at artist sa Trending nang ilang beses sa isang linggo sa mga sinusuportahang bansa o rehiyon. Baka binibisita mo ang Trending habang nagpapalit ng mga hina-highlight na creator/artist, kaya bumalik sa ibang pagkakataon.
  • Kung wala ka sa isang sinusuportahang bansa, wala kang makikitang anumang Sumisikat na Creator o Artist. Puwede mong baguhin ang iyong setting ng lokasyon, pero kapag ginawa mo ito, maaapektuhan ang iyong pangkalahatang experience sa YouTube, hindi lang ang seksyong Trending.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4410893560346506837
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false