Kapag nag-upload ka ng video, ipoproseso muna ito sa mababang kalidad. Nakakatulong ito sa iyong makumpleto nang mas mabilis ang proseso ng pag-upload. Kapag nakumpleto na ang proseso ng pag-upload, sa mababang kalidad muna magiging available i-stream ang iyong video, sa maraming uri ng mga device.
Posibleng mas matagal ang pagpoproseso ng mga video na may mas mataas na kalidad, gaya ng 4K o 1080p. Habang nangyayari ang pagpoprosesong ito, posibleng magmukhang walang mas mataas na kalidad ang iyong video sa loob ng ilang oras. Kapag natapos na ang pagpoproseso ng mataas na resolution, magiging available ang mas matataas na kalidad sa iyong video.
Tungkol sa tagal ng pagpoproseso
Ang tagal ng pagpoproseso ay nakadepende sa maraming bagay, tulad ng:
- Format ng video
- Haba ng video
- Frame rate
- Kalidad
Ang mga video na may mas mataas na kalidad, tulad ng mga video na nasa 4K o 1080p, ay mas matagal i-upload at iproseso. Gayundin para sa mga video na may mas matataas na frame rate, gaya ng 60-fps.
Halimbawa, ang mga 4K video ay 4 na beses na mas malaki sa mga 1080p video. Puwedeng maging 4 na beses na mas matagal bago maging available ang 4K na kalidad pagkatapos ng pag-upload. Ang isang 4K video na may frame rate na 30 fps na may habang 60 minuto ay puwedeng abutin nang hanggang 4 na oras bago matapos ang pagpoproseso ng mataas na resolution. Mas matatagalan ang isang 4K video na may frame rate na 60fps.
Tingnan ang kalidad ng video
Para makita kung natapos na ang iyong video sa pagpoproseso sa mas matataas na kalidad, suriin ang page sa panonood ng video.
- Buksan ang page sa panonood ng iyong video.
- Sa video player, piliin ang Mga Setting
.
- I-click ang Kalidad
.
Kung hindi available ang mga opsyong may mas mataas na kalidad, pinoproseso pa ang video sa background. Alamin kung paano baguhin ang kalidad ng iyong video.