Mag-upload ng mga video na mas mahaba sa 15 minuto

Pataasin ang iyong limitasyon sa haba ng video

Bilang default, puwede kang mag-upload ng mga video na may habang hanggang 15 minuto. Puwedeng mag-upload ng mga video na mas mahaba sa 15 minuto ang mga na-verify na account.

Para ma-verify ang iyong Google Account:

  1. Buksan ang YouTube mobile app.
  2. I-tap ang Gumawa  at pagkatapos ay Mag-upload ng video.
  3. Pumili ng video na mas matagal sa 15 minuto.
  4. Piliin ang pamagat, paglalarawan, at mga setting ng iyong video, pagkatapos ay i-tap ang SUSUNOD.
  5. Sundin ang mga hakbang para i-verify ang iyong Google Account. Puwede mong piliing makatanggap ng code sa pag-verify sa pamamagitan ng text message sa isang mobile device o naka-automate na voice call. 

Maximum na laki ng upload

Ang maximum na laki ng file na puwede mong i-upload ay 256 GB o 12 oras, alinman ang mas maikli. Pinalitan namin ang mga dating limitasyon sa mga pag-upload, kaya posibleng makakita ka ng mga lumang video na mas mahaba sa 12 oras.

Mag-troubleshoot ng mga karaniwang isyu

Na-verify ko ang aking account pero hindi pa rin nagpe-play ang video ko.

Pagkatapos mong i-verify ang iyong account, kakailanganin mong i-upload ulit ang video mo:
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Piliin ang GUMAWA  at i-upload ulit ang iyong video.
Hindi ko alam kung na-verify ko na ang aking account.

Para tingnan kung na-verify mo na ang iyong Google Account, pumunta sa Pagiging kwalipikado para sa feature. Kung na-verify mo na ang iyong account, makikita mo ang "Naka-enable" sa kahong Mga feature na nangangailangan ng pag-verify sa telepono.

Na-verify ko na ang aking account pero hindi ako makapag-upload ng mahahabang video.

Kung nakakapag-upload ka dati ng mahahabang video at hindi mo na ito nagagawa, suriin ang iyong account para sa mga claim sa copyright at strike.

Mas malaki sa 256 GB ang aking video.

Kung mas malaki sa 256 GB ang iyong video, subukang i-compress ang video mo sa software para sa pag-edit ng video bago ito i-upload sa YouTube. Kapag na-compress ang iyong video, mababawasan ang laki ng file nito habang pinapanatili ang kalidad ng video. Ang isang karaniwang paraan para mag-compress ng video para sa YouTube ay ang pag-encode dito gamit ang H.264 codec.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18049376192865403414
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false