Mag-upload ng mga High Dynamic Range (HDR) video

Puwede kang mag-upload ng mga High Dynamic Range (HDR) video sa YouTube. Nagpapakita ang mga HDR video ng mas mataas na contrast na may mas maraming kulay kaysa sa standard na digital video.

Puwedeng manood ang mga manonood ng mga HDR video sa mga tugmang mobile device at HDR TV. Puwede rin silang mag-stream ng mga HDR video gamit ang Chromecast Ultra sa isang HDR TV. Makikita ng mga manonood ang "HDR" pagkatapos ng bawat opsyon sa kalidad sa video player (halimbawa, 1080p HDR).

Mapapanood ang video bilang standard dynamic range (SDR) video ng mga manonood na nanonood sa mga device na hindi HDR.

Mag-upload ng mga HDR video

Mayroon dapat ang mga HDR video ng HDR metadata sa codec o container para ma-playback nang maayos sa YouTube. Ang pinakamaaasahang paraan ng pag-record sa metadata ay ang pag-export mula sa isang sinusuportahang app.

Kung hindi mo ma-export ang standard HDR metadata, puwede mong gamitin ang YouTube HDR metadata tool para magdagdag ng HDR metadata sa isang video. Gagana lang nang wasto ang tool na ito kung na-grade ang iyong video gamit ang isang HDR transfer function.

Tandaan: Kung hindi ka sigurado kung na-grade ang iyong video gamit ang isang HDR transfer function, madi-distort nang malala ang iyong mga video kapag ginamit ang tool na ito. Hindi na-grade gamit ang isang HDR transfer function ang maraming video na may "HDR" sa pamagat . Hindi gagana ang tool na ito sa mga video na iyon. Huwag gamitin ang YouTube HDR metadata tool kung hindi ka pamilyar sa color grading o hindi ikaw ang nag-grade sa sarili mong video sa HDR.

Kung gine-grade mo ang iyong video, mag-grade sa Rec. 2020 sa PQ o HLG. Magkakaroon ng mga maling resulta kapag gumamit ng ibang configuration, kasama na ang DCI P3.

Kapag maayos nang namarkahan ang isang video bilang HDR, ia-upload ito sa karaniwang paraan ng pag-upload ng isang video. Matutukoy ng YouTube na mayroong HDR metadata at ipoproseso nito iyon, na magreresulta sa paggawa ng mga HDR transcode para sa mga HDR device at isang pag-convert pababa sa SDR para sa iba pang device.

Tandaan: Kasalukuyang hindi mae-edit ang mga HDR video gamit ang YouTube Web editor.

Mga kinakailangan sa HDR video

Kapag nag-upload ka ng video, susuportahan ng YouTube ang lahat ng resolution at awtomatiko nitong iko-convert ang HDR video sa mga SDR video kung kailangan.

Mga kinakailangan sa pag-upload

Resolution 720p, 1080p, 1440p, 2160p
Para sa pinakamagagandang resulta, gumamit ng UHD sa halip na mga DCI width (halimbawa, 3840x1600 sa halip na 4096x1716).
Frame rate 23.976, 24, 25, 29.97, 30, 48, 50, 59.94, 60
Color depth 10 bit o 12 bit
Mga color primary Rec. 2020
Color matrix Rec. 2020 non-constant luminance
EOTF PQ o HLG (Rec. 2100)
Video bitrate Para sa H.264, gamitin ang inirerekomendang setting sa pag-encode ng upload.
Audio Kapareho ng sa inirerekomendang setting sa pag-encode ng upload

Pag-encode sa HDR video file

Nasubukang paganahin ang mga container na ito:

  • MOV/QuickTime
  • MP4
  • MKV


Inirerekomenda ang mga codec na ito, dahil sinusuportahan ng mga ito ang 10-bit na pag-encode gamit ang HDR metadata at naghahatid ito ng mataas na kalidad sa mga makatuwirang bitrate:

  • VP9 Profile 2
  • AV1
  • HEVC/H.265


Gumagana rin ang mga codec na ito, pero nangangailangan ang mga ito ng mga napakataas na bitrate para makamit ang mataas na kalidad, na posibleng magresulta sa mas matagal na mga oras ng pag-upload at pagproseso:

  • ProRes 422
  • ProRes 4444
  • DNxHR HQX
  • H.264 10-bit

HDR metadata

Para maproseso, dapat i-tag ang mga HDR video gamit ang tamang:
  • Transfer function (PQ o HLG)
  • Mga color primary (Rec. 2020)
  • Matrix (Rec. 2020 non-constant luminance)
Ang mga HDR video na gumagamit ng PQ signaling ay dapat ding maglaman ng impormasyon tungkol sa display kung saan ito na-master (SMPTE ST 2086 mastering metadata). Dapat ay mayroon din itong mga detalye tungkol sa liwanag (CEA 861-3 MaxFALL at MaxCLL). Kung walang ganito, gagamitin namin ang mga value para sa Sony BVM-X300 mastering display.
Bilang opsyon, posible ring maglaman ang mga HDR video ng dynamic (HDR10+) metadata bilang mga ITU-T T.35 terminal code o bilang mga SEI header.

Mga tool sa pag-author sa HDR 

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga tool na puwede mong magamit para mag-upload ng mga HDR video sa YouTube:

  • DaVinci Resolve
  • Adobe Premiere Pro
  • Adobe After Effects
  • Final Cut Pro X

Mga karaniwang isyu

Maling pagmamarka ng color space

Sa sinehan, pangkaraniwan ang mag-master ng HDR content sa DCI P3 color space, na may alinman sa mga DCI (~D50) o D65 white point. Ang paggawa nito ay hindi sinusuportahang format para sa paghahatid sa mga consumer electronics. Kapag nagma-master, piliin ang mga Rec. 2020 color primary (ang ibig sabihin ng Rec. 2100 standard ay Rec. 2020 color sa maraming app).
Karaniwang nagkakamali sa pag-master sa P3, pagkatapos ay pag-tag sa resulta gamit ang mga Rec. 2020 primary. Kapag ginawa ito, magreresulta ito sa hitsurang sobrang na-saturate na may shifted hue.

Higit na kontrol sa pag-convert sa SDR

Ang awtomatikong pag-convert pababa sa SDR ng YouTube ay isang maginhawang opsyong nakakapaghatid ng magagandang resulta nang walang kahirap-hirap. Gayunpaman, sa mga challenging clip, baka hindi ito makapaghatid ng perpektong resulta. Nagsisikap kaming mapabuti ang awtomatikong pag-convert pababa sa SDR para gumana ito nang mahusay sa lahat ng materyal.
Posibleng magbigay ng pahiwatig sa pagko-convert pababa sa SDR ng YouTube sa pamamagitan ng 3D Look-Up Table, o LUT. Para makagawa ng ganitong LUT:
  1. I-load ang iyong HDR video sa isang color grading app nang hindi naglalapat ng anumang color management.
  2. Itakda ang iyong mastering display sa Rec. 709 color at Gamma 2.4 transfer function.
  3. Maglapat ng kasalukuyang LUT na nagko-convert mula sa Rec. 2020 + ST. 2084 papunta sa Rec. 709, at pagkatapos, sa mga subsequent node, baguhin ang mga primary corrector, curve, at key para makuha ang hitsurang gusto mo.
  4. I-export ang LUT sa .cube format sa folder kung nasaan ang HDR video.
  5. Piliin ang LUT at ang HDR video, at i-drag at i-drop ang mga ito sa metadata tool.

Maglalapat ang tool ng metadata para sa BVM-X300, at isasama rin nito ang LUT para magbigay ng mga pahiwatig na iko-convert ito pababa sa SDR.

Tandaan: Sa kasalukuyan, walang kontrol sa espasyo o oras para sa pagbibigay ng pahiwatig tungkol sa pag-convert pababa sa SDR. Hindi gagana nang maayos ang mga power window at key na may kasamang mga kontrol tulad ng Blur, maging ang mga pagsasaayos na ilalapat sa mga indibidwal na shot.

Noise sa mga shadow

Kapag nagma-master sa PQ (ST 2084), nakalaan sa detalye ng shadow ang karamihan ng saklaw ng signal. Pinapanatili ng mga digital intermediate codec tulad ng ProRes at DNxHR ang detalye sa kabuaang lawak ng larawan. Posibleng magkaroon ang iyong mga video ng noise sa mga rehiyon kung saan may mas maitim na larawan na visual na namarkahan ng mga highlight sa larawan.
Posibleng maalis ng pagpoproseso ng video ng YouTube ang ilang noise para makakuha ng mga bitrate sa pag-stream. Magkakaroon ka ng higit na kontrol sa pamamagitan ng pag-aalis sa noise sa iyong video bago ito i-render na ma-upload. Makakatulong din ang pag-aalis sa noise kung masyadong mukhang "compressed" ang iyong video kapag nagsi-stream.
Palagi kaming nagsisikap na pagandahin ang kalidad ng mga video sa YouTube, kasama na ang mas mahusay na pangangasiwa sa kasong ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3525588465296976227
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false