Puwedeng kumita ang mga video sa panahon ng pag-dispute sa Content ID kung parehong gusto ng creator ng video at naghahabol sa Content ID na i-monetize ang video. Puwede kang mag-dispute ng claim sa Content ID sa anumang oras. Kung magdi-dispute ka ng claim sa loob ng 5 araw, iho-hold ang anumang kita mula sa video, simula sa unang araw na inihain ang claim. Kung magdi-dispute ka ng claim sa Content ID pagkalipas ng 5 araw mula sa orihinal na petsa ng claim, sisimulan naming i-hold ang kita sa petsa kung kailan isinagawa ang pag-dispute.
Sa buong proseso ng pag-dispute, hiwalay na iho-hold ang kita, at kapag nalutas na ang dispute, ibibigay namin ito sa naaangkop na partido.
Paghahain ng dispute sa Content ID
Kapag may naghain ng claim sa Content ID sa iyong video, mayroon kang ilang opsyon sa pagsagot:
- Walang gawin at hayaang manatili ang claim sa iyong video: Pagkalipas ng 5 araw mula sa petsa ng claim, ibibigay sa naghahabol ang anumang na-hold na kita.
- Maghain ng dispute sa loob ng 5 araw: Patuloy na tatakbo ang mga ad. Iho-hold ang lahat ng kikitain ng video habang sinusuri ng naghahabol ang iyong dispute.
- Maghain ng dispute pagkalipas ng 5 araw: Iho-hold ang kita mula sa petsa kung kailan inihain ang dispute habang sinusuri ng naghahabol ang iyong dispute.
Matuto pa tungkol sa mangyayari sakaling ikaw ay mag-dispute ng claim sa Content ID.
Paghahain ng apela sa Content ID
Kung pipiliin mong mag-apela ng ibinalik na claim o mag-escalate sa apela, mayroon kang ilang opsyon:
- Walang gawin at hayaang manatili ang claim sa iyong video: Pagkalipas ng 5 araw, ibibigay sa naghahabol ang anumang na-hold na kita.
- Maghain ng apela sa loob ng 5 araw: Patuloy na tatakbo ang mga ad. Iho-hold ang lahat ng kikitain ng video habang sinusuri ng naghahabol ang iyong apela.
- Maghain ng apela pagkalipas ng 5 araw: Iho-hold ang kita mula sa petsa kung kailan inihain ang apela habang sinusuri ng naghahabol ang iyong apela.
Matuto pa tungkol sa mangyayari kapag ikaw ay umapela ng claim sa Content ID.
Kita mula sa mga hindi pagkakaunawaan sa YouTube Analytics
Kung may aktibong claim sa Content ID sa iyong video, at idi-dispute o iaapela mo ito, hindi ipapakita ang data ng kita para sa video sa YouTube Analytics. Kung ire-release ang claim, idaragdag sa ibang pagkakataon sa YouTube Analytics ang data ng kita para sa yugto ng panahon ng hindi pagkakaunaawan. Kung malulutas ang claim sa mas maagang bahagi ng buwan, dapat lumabas ang data na ito sa pagitan ng ika-10 at ika-20 ng susunod na buwan. Kung malulutas ang claim nang malapit na sa katapusan ng buwan, posibleng lumabas ang data sa pagitan ng ika-10 at ika-20 pagkalipas ng 2 buwan.
- Nag-dispute ka ng claim sa Content ID noong Hulyo 12, at nalutas ang dispute nang pabor sa iyo noong Agosto 6. Lalabas sa Analytics ang iyong data ng kita para sa Hulyo 12 hanggang Agosto 6 sa pagitan ng Setyembre 10 at Setyembre 20.
- Nag-dispute ka ng claim sa Content ID noong Agosto 4, at nalutas ang dispute nang pabor sa iyo noong Agosto 29. Lalabas sa Analytics ang iyong data ng kita para sa Agosto 4 hanggang Agosto 29 sa pagitan ng Oktubre 10 at Oktubre 20.