Gamitin ang iyong Google Account para sa YouTube

Kailangan mo ng Google Account para mag-sign in sa YouTube. Gumagana ang Google Account sa lahat ng produkto ng Google (tulad ng Gmail, Blogger, Maps, YouTube, at marami pa).

Pagsisimula | Paano at bakit dapat mag-sign in sa YouTube at gumawa ng channel sa YouTube

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Kung nakapag-sign in ka na dati sa alinman sa mga produktong ito, mayroon ka nang Google Account. Para mag-sign in, ilagay ang email address na ginamit mo para sa mga produktong iyon. Halimbawa, kung gumagamit ka ng Gmail, ito ang iyong username sa Gmail. Kung wala kang Google Account, makakagawa ka nito sa YouTube.

Narito ang ilang mahalagang detalye na dapat tandaan tungkol sa mga Google Account at YouTube:

  • Magsa-sign in ka sa YouTube gamit ang iyong Google Account. Para mag-sign in sa YouTube, ilagay ang iyong email at password sa Google Account. Pagkatapos mag-sign up para sa YouTube, kapag nag-sign in ka sa iyong Google account sa ibang serbisyo ng Google, awtomatiko kang masa-sign in sa YouTube.
  • Kapag na-delete ang iyong Google Account, made-delete ang data mo sa YouTube, kasama ang lahat ng video, komento, at subscription. Bago i-delete ang iyong Google Account, kakailanganin mong kumpirmahing nauunawaan mong permanente mong ide-delete ang iyong data sa lahat ng serbisyo ng Google, kasama ang YouTube.
Posibleng hindi bahagi ng isang Google Account ang ilang mas luma at hindi ginagamit na channel sa YouTube (ginawa bago ang Mayo 2009). Posibeng kailangang idagdag ang mga channel na ito sa isang Google Account bago magamit ang mga ito.

Kapag nag-sign in ka sa YouTube gamit ang iyong Google Account, magagamit mo ang maraming feature ng YouTube:

  • Mag-like ng mga video
  • Mag-save ng Mga Paborito
  • Mag-subscribe sa mga channel
  • Panoorin sa Ibang Pagkakataon
  • History ng Panonood
  • Mag-ulat ng mga video

Puwede ring mag-personalize ang YouTube ng mga rekomendasyon sa video batay sa mga video na pinanood mo at sa iyong mga subscription.

Kung kaunti lang ang laman ng iyong history ng panonood, aalisin ang mga feature ng YouTube na nakadepende sa history ng panonood mo para magbigay ng mga rekomendasyon sa video, gaya ng mga rekomendasyon sa homepage ng YouTube.
 
Maliban na lang kung gagawa ka ng channel, hindi ka magkakaroon ng pampublikong presensya sa YouTube. Ganap na pribado ang iyong aktibidad. Kung gusto mong i-upload ang iyong sariling mga video, magkomento sa mga video, o gumawa ng mga playlist, puwede kang gumawa ng channel sa YouTube anumang oras.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3824142447677022196
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false