Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube Studio.
Puwede kang magtakda ng mga default na format ng ad na pare-parehong ilalapat sa lahat ng bagong pag-upload. Kapag ginawa mo ito, hindi mo kailangang baguhin ang mga setting sa tuwing mag-a-upload ka ng video. Pinakamahusay na itakda ang iyong mga default na format ng ad kapag gumagawa ng bagong channel.
Antas ng channel
Sundin ang mga tagubilin para itakda ang iyong mga default na format ng ad.
Antas ng Content Manager
- Mag-sign in sa Content Manager ng Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Mga Channel .
- Sa tab na Overview, mag-hover sa channel na gusto mong pamahalaan.
- I-click ang "Mga setting ng mga default sa pag-upload" .
- Piliin ang tab na Pag-monetize.
- Itakda ang (mga) format ng ad na gusto mong payagan sa channel.
Tandaan: Tandaang puwedeng i-override ng mga setting sa antas ng video ang mga setting sa antas ng channel. Puwedeng i-override ng mga setting sa antas ng channel ang mga setting sa antas ng Content Manager.