Mag-autoplay ng mga video

Gamit ang feature na Autoplay sa YouTube, mas madali nang magpasya kung ano ang susunod na papanoorin. Kapag naka-on ang Autoplay, awtomatikong magpe-play ang isa pang kaugnay na video kapag natapos ang isang video.

How to Autoplay Videos on YouTube

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Tandaan:

  • Para sa mga user na 13-17 taong gulang sa YouTube, naka-off ang Autoplay bilang default. Kung 18 taong gulang pataas ka na, naka-on ang Autoplay bilang default.
  • Kung gumagamit ka ng sinusubaybayang account, posibleng wala kang opsyong i-on/i-off ang Autoplay kung na-off ng iyong magulang ang Autoplay para sa iyo. Matuto pa tungkol sa parental controls para sa mga sinusubaybayang account.
  • Puwedeng iba-iba ang iyong mga setting ng Autoplay para sa magkakaibang device. Halimbawa, puwede mong gawing "Naka-on" ang Autoplay sa YouTube app sa iyong mobile device, pero gawin itong "Naka-off" kapag nanonood ka ng YouTube sa computer mo.
  • Kung nakakonekta ka sa isang mobile network, awtomatikong hihinto ang Autoplay kung 30 minuto ka nang walang aktibidad. Kung nakakonekta ka sa Wi-Fi, awtomatikong hihinto ang Autoplay pagkalipas ng 4 na oras.

Autoplay sa iyong mobile device o tablet

Sa dulo ng isang video, ipapakita ng video player kung ano ang susunod na ipe-play. Kung magso-scroll ka nang lampas sa video player o magta-type ka ng kahit ano, tulad ng komento o paghahanap, hindi awtomatikong magpe-play ang susunod na video.

I-on o i-off ang Autoplay sa isang video

  1. Pumunta sa screen sa panonood ng anumang video.
  2. Sa itaas ng video player, i-tap ang switch ng Autoplay para gawin itong Naka-on o Naka-off .

I-on o i-off ang Autoplay sa iyong mga setting

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile.
  2. I-tap ang mga setting .
  3. I-tap ang Autoplay.
  4. I-on o i-off ang autoplay.
Tip: Kung naka-on ang Autoplay pero ayaw mong mag-play ang susunod na video, i-tap ang Kanselahin sa dulo ng video.

Mag-autoplay sa iyong computer

Sa dulo ng isang video, ipapakita ng video player kung ano ang susunod na ipe-play. Kung magso-scroll ka nang lampas sa video player o magta-type ka ng kahit ano, tulad ng komento o paghahanap, hindi awtomatikong magpe-play ang susunod na video.

I-on o i-off ang Autoplay

  1. Pumunta sa screen sa panonood ng anumang video.
  2. Sa ibaba ng video player, i-click ang switch ng Autoplay para gawin itong Naka-on o Naka-off .
Tip: Kung naka-on ang Autoplay pero ayaw mong mag-play ang susunod na video, i-tap ang Kanselahin sa dulo ng video.

Mag-autoplay sa iyong smart TV o game console

Mag-autoplay sa YouTube app sa iyong TV

Para baguhin ang iyong mga setting ng Autoplay sa YouTube app sa TV mo:

  1. Buksan ang YouTube app sa iyong TV.
  2. Pumunta sa Mga Setting .
  3. Mag-scroll sa Autoplay.
  4. Piliin ang mga opsyon para I-on o I-off ang Autoplay.

Mag-autoplay habang nagka-cast sa iyong TV

Kung ikinonekta mo ang iyong TV sa telepono o tablet mo, magagamit mo ang iyong device para kontrolin ang Autoplay.

  1. Ikonekta ang iyong mobile device sa TV device mo at pumili ng video na ipe-play.
  2. Para palawakin ang iyong queue at tingnan ang mga setting ng Autoplay mo, i-tap ang control bar sa ibaba ng screen.
  3. Gamitin ang switch para i-off ang Autoplay.

Lalabas ang switch ng autoplay sa ilalim ng napiling video

Mag-autoplay sa iyong Mga Smart Display na ginagamitan ng Google Assistant

I-on o i-off ang Autoplay

Kung ginagamit mo ang YouTube sa iyong Smart Display at gusto mong i-on o i-off ang Autoplay:

  1. Buksan ang Home App sa iyong mobile device.
  2. I-tap ang Smart Display na gusto mong baguhin.
  3. I-tap ang Mga Setting.
  4. I-tap ang Mga notification at digital wellness.
  5. I-tap ang Mga Setting ng YouTube.
  6. May dalawang paraan para makontrol mo ang mga setting ng Autoplay para sa iyong Smart Display:
    • Kung naka-voice match ka, puwedeng i-on o i-off ang Autoplay para sa iyo, at
    • Puwedeng i-on o i-off ang Autoplay para sa lahat ng iba pang user.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5487689214812828374
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false