Paghigpitan ang pag-embed

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube Studio. Makipag-ugnayan sa iyong Partner Manager sa YouTube para makakuha ng access.

Bilang default, ang mga user ng Content Manager ay makakapagdagdag ng mga video sa YouTube sa mga website at app nila sa pamamagitan ng pag-embed sa mga iyon. Puwede mong kontrolin kung saan mae-embed ang iyong mga video sa pamamagitan ng pagtukoy kung aling mga website at app ang iba-block o papayagan. Puwedeng i-apply ang mga patakarang ito sa mga video na pag-aari mo (Lisensyadong content) at mga video na kine-claim mo (Content na na-upload ng user).

Tandaan: Hindi puwedeng i-apply sa mga iOS app ang mga paghihigpit sa pag-embed.

Paghigpitan ang pag-embed sa mga website

  1. Mag-sign in sa Content Manager ng Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Mga Setting .
  3. Sa seksyong Pangkalahatang-ideya, mag-scroll sa I-block ang pag-embed sa mga domain.
  4. I-click ang Content na na-upload ng user at piliin ang panuntunang gusto mong i-apply sa mga website na nag-e-embed ng mga video na na-upload ng user na na-claim kontra sa isa sa iyong mga asset:
    • Payagan sa lahat ng domain (default na opsyon): Walang paghihigpit sa pag-embed sa anumang website.
    • Payagan sa mga partikular na domain: I-block ang pag-embed sa bawat website maliban sa mga partikular na website na ilalagay mo sa text box na Mga Domain.
    • I-block sa mga partikular na domain: Huwag payagan ang mga user na mag-embed ng mga video sa mga partikular na website na ilalagay mo sa text box na Mga Domain.
    • I-block sa lahat ng domain: Huwag payagan ang anumang pag-embed ng mga video sa anumang website.
  5. Ilagay ang mga URL sa text box na Mga Domain (isang domain URL kada linya).
  6. I-click ang Lisensyadong content at piliin ang panuntunang gusto mong i-apply sa mga website na nag-e-embed ng mga video mula sa iyong mga channel.
  7. Ilagay ang mga URL sa text box na Mga Domain (isang domain URL kada linya).
  8. I-click ang I-SAVE.

Paghigpitan ang pag-embed ng mga app

  1. Mag-sign in sa Content Manager ng Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Mga Setting .
  3. Sa seksyong Pangkalahatang-ideya, mag-scroll sa I-block ang pag-embed sa mga app.
  4. I-click ang Content na na-upload ng user  at piliin ang panuntunang gusto mong i-apply sa mga app na nag-e-embed ng mga video na na-upload ng user na na-claim kontra sa isa iyong mga asset:
    • Payagan sa lahat ng app (default na opsyon): Walang paghihigpit sa anumang app.
    • Payagan sa mga app batay sa ID: I-block ang pag-embed sa bawat app maliban sa mga partikular na app na ilalagay mo sa text box na Mga App ID.
    • I-block sa mga app batay sa ID: Huwag payagan ang mga user na mag-embed ng mga video sa mga partikular na app na ilalagay mo sa text box na Mga App ID
    • I-block sa lahat ng app: Huwag payagan ang anumang pag-embed ng mga video sa anumang app.
  5. Ilagay ang mga URL sa text box na Mga App ID (isang App ID kada linya).
  6. I-click ang Lisensyadong content  at piliin ang panuntunang gusto mong i-apply sa mga app na nag-e-embed ng mga video mula sa iyong mga channel.
  7. Ilagay ang mga URL sa text box na Mga App ID (isang App ID URL kada linya).
  8. I-click ang I-SAVE.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14154445941769901445
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false