Manood ng mga VR180 at 360 degree na video gamit ang Cardboard

Puwede kang manood ng mga VR180 at 360 degree na video para sa immersive na karanasan ng virtual reality gamit ang Cardboard at ang YouTube mobile app.

  1. Buuin ang Google Cardboard.
  2. Buksan ang YouTube app.
  3. Maghanap ng VR na video o pumunta sa house channel sa YouTube Virtual Reality a pamamagitan ng paghahanap sa "Virtual Reality." Hanapin ang icon na ito para makita ang tamang channel .
  4. Pumili ng VR na video.
  5. Para simulan ang pag-playback, i-tap ang button na i-play.
  6. I-tap ang icon ng Cardboard . Mahahati ang screen sa dalawang mas maliliit na screen.
  7. Ilagay ang iyong telepono sa Cardboard.
  8. Tumingin sa paligid para makita ang video sa VR180 o 360 degrees.

Para matuto pa tungkol sa panonood ng 360-degree/180-degree na content.

Para magamit ang Cardboard sa mga iPhone at iPad device, kailangang mayroon kakng iOS 9 o mas bago.

Tandaan: Hindi sinusuportahan ang pag-playback ng VR180 at 360-degree na video sa mga mobile browser. Kasama sa mga naturang browser ang mga panonood sa web para sa mga app at site sa labas ng YouTube.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
59
false