Pamahaalan ang mga mid-roll na ad break sa mahahabang video

Sa mga naka-monetize na video na nasa 8 minuto o mas mahaba pa, puwede mo ring i-on ang mga ad sa kalagitnaan ng video (kilala rin bilang "mga mid-roll").

Bilang default, awtomatikong inilalagay ang mga mid-roll ad sa mga natural na break sa iyong mga video para mabalanse ang experience ng manonood at potensyal sa pag-monetize para sa iyo. Kung hindi mo na-on ang mga mid-roll na ad bilang default para sa mga bagong upload, puwede mong i-on ang mga ito para sa mga indibidwal na video.

Gamitin ang tool sa mga ad break para gumawa, mag-preview, at mag-edit ng mga awtomatikong inilagay na mid-roll ad, o para manual na maglagay ng mga ad break sa mga video. Magagamit mo ang tool anuman ang iyong default sa pag-upload sa level ng channel.

Kung kwalipikado, puwede ka ring mag-trigger ng mga mid-roll ad para sa iyong mga live stream.

Paggamit ng Mga Mid-roll Ad sa Mahahabang Video

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Posibleng mag-iba nang bahagya ang experience sa ad para sa mga manonood depende sa uri ng device na ginagamit nila.

  • Sa computer: May lalabas na 5 segundong countdown bago ang isang mid-roll ad.
  • Sa iba pang platform: May lalabas na mga dilaw na marker sa progress bar ng video para isaad kung kailan posibleng lumabas ang isang ad.
Mga madalas itanong

Paano ko malalaman kung dapat akong gumamit ng mga mid-roll na ad?

Bagama't awtomatikong mahahanap ng YouTube ang pinakamagandang placement para sa mga mid-roll na ad, puwede mong i-off ang mga mid-roll na ad kung hindi ito naaangkop. Halimbawa, posibleng hindi naaangkop ang mga video ng meditation para sa mga mid-roll na add. Kung pipiliin mong gamitin ang mga ito, inirerekomenda namin ang awtomatikong placement ng mga mid-roll na ad para makahanap ng mga natural na break sa iyong content at maiwasan ang nakakaabalang karanasan ng manonood.

Paano gumagana ang mga awtomatikong inilagay na mid-roll na ad?

Nilalayon ng mga awtomatikong inilagay na mid-roll na ad na balansehin ang karanasan ng manonood at potensyal sa kita ng creator. Ang advanced na teknolohiya ng machine learning ng YouTube ay sumusuri ng maraming video at natututunan nitong i-detect ang pinakamagagandang oras para sa mga mid-roll. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga salik tulad ng mga natural na visual o audio break. Isinasaad sa mga pag-aaral sa user na dalawang beses na mas hindi nakakaabala ang mga awtomatikong inilagay na mid-roll ad kaysa sa mga manual na inilagay na mid-roll ad.

Nakakainis ang mga mid-roll na ad para sa mga manonood, hindi ba?

Posibleng nakakainis o nakakaabala para sa ilang manonood ang mga mid-roll ad. Para mapaganda ang experience ng manonood, pini-predict namin ang pinakamagandang placement ng ad para mabawasan ang abala. Nilalayon naming mabalanse ang mga pangangailangan ng mga manonood, advertiser, at creator sa aming platform.

Mababago ko pa rin ba ang mga awtomatikong inilagay na mid-roll break?

Oo. Kapag naka-on ang awtomatikong placement ng mga mid-roll, puwede kang pumunta sa mga setting ng pag-monetize para sa anumang video at manual na baguhin ang mga placement ng ad break.

Pamahalaan ang mga ad break sa YouTube Studio

Posibleng makaapekto ang placement ng mid-roll na ad sa karanasan sa panonood at sa posibilidad ng paghahatid ng ad. Kung manual na ilalagay ang mga mid-roll na ad break sa mga nakakaabalang bahagi sa isang video, posibleng maghatid ng mas kaunting ad ang aming system ng ad.

May 2 paraan para maglagay ng mga mid-roll ad:
  • Mga naka-automate na ad break: Puwede mong i-on ang awtomatikong placement ng mga mid-roll ad, na nangangahulugang maghahanap kami ng pinakamagandang placement at dalas ng ad, para makapagbigay ng mas balanseng experience sa mga manonood.
  • Mga manual na ad break: Kung pipiliin mong manual na maglagay ng mga ad break, subukang ilagay ang mga ito sa mga natural break para sa pinakamagagandang resulta. Iwasang maglagay ng mga mid-roll break sa mga puwedeng maabalang bahagi, gaya sa kalagitnaan ng pangungusap o pagkilos. Kung ginawa mo ang iyong content para maglagay ng mga natural na ad break, puwede kang gumamit ng mga manual na ad break para matiyak na lalabas ang mga ad kung kailan mo gusto.

Awtomatikong placement

Puwede kang awtomatikong magtakda ng mga mid-roll break para sa isang video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Pumili ng video, pagkatapos ay piliin ang Pag-monetize .
  4. Kung hindi mo pa ito nagagawa, i-on ang pag-monetize para sa video.
  5. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “Maglagay ng mga ad sa video (mid-roll).”

Manual na placement

Puwede kang manual na magtakda ng mga break sa mid-roll ad:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Pumili ng video, pagkatapos ay piliin ang Pag-monetize
  4. Kung hindi mo pa ito nagagawa, i-on ang pag-monetize para sa video.
  5. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “Maglagay ng mga ad sa video (mid-roll).”
  6. Piliin angSURIIN ANG PLACEMENT.
    • Magdagdag ng ad break: I-click ang AD BREAK. Ilagay ang oras ng pagsisimula ng ad, o i-drag ang vertical na bar papunta sa gustong oras.
    • Mag-delete ng ad break: I-click ang I-delete sa tabi ng ad break.
  7. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Magpatuloy at pagkatapos ay ang I-save.

Maglagay ng mga ad break kapag nag-a-upload ng bagong video

Puwede mong ilagay ang iyong mga ad break kapag nag-upload ka ng bagong video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mag-upload ng video na 8 minuto o mas mahaba.
  3. Sa tab na “Pag-monetize,” i-on ang pag-monetize.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “Maglagay ng mga ad sa video (mid-roll).”
  5. Kapag tapos nang maproseso ang iyong video, piliin ang SURIIN ANG PLACEMENT.
    • Magdagdag ng ad break: I-click ang AD BREAK. Ilagay ang oras ng pagsisimula ng ad, o i-drag ang vertical na bar papunta sa gustong oras.
    • Mag-delete ng ad break: I-click ang I-delete sa tabi ng ad break.
  6. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Susunod.
  7. Tapusin ang proseso ng pag-upload.

Maglagay ng mga ad break kapag nag-e-edit ng video

Habang nag-e-edit ka ng video, puwede ka ring maglagay ng mga ad break:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-click ang video na gusto mong i-edit.
  4. Sa kaliwang menu, i-click ang Editor.
  5. Sa tabi ng Mga ad break, piliin ang I-EDIT.
    • Para sa manual na placement: I-click ang AD BREAK at ilagay ang oras ng pagsisimula ng ad, o i-drag ang vertical na bar sa gustong oras.
    • Para sa awtomatikong placement: I-click ang AWTOMATIKONG ILAGAY.
    • Mag-delete ng ad break: I-click ang I-delete sa tabi ng ad break.
  6. Para mag-delete ng ad break, i-click ang I-delete sa tabi ng ad break.
  7. I-click ang I-SAVE.

I-preview at baguhin ang placement ng mid-roll ad

Puwede mong i-preview ang placement ng iyong mga mid roll ad break at baguhin ang mga ito.

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Pumili ng video, pagkatapos ay piliin ang Pag-monetize.
  4. Piliin ang SURIIN ANG PLACEMENT sa ilalim ng "Maglagay ng mga ad sa video (mid-roll)."
  5. Piliin ang I-play sa video player.
  6. I-drag ang cursor para maabot ang isang partikular na bahagi ng video.

Pamahalaan ang mga mid-roll ad break para sa isang video

Puwede mong i-on o i-off ang mga mid-roll ad break para sa indibidwal na video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Mga Video.
  3. Pumili ng video, pagkatapos ay piliin ang Pag-monetize.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “Maglagay ng mga ad sa video (mid-roll)” para i-on o i-off ang mga mid-roll ad break. Kapag naka-on, awtomatikong inilalagay ang mga mid-roll bilang default.
  5. Piliin ang I-SAVE.

Pamahalaan ang mga mid-roll ad break para sa maraming video

Puwede mong i-on o i-off ang mga mid-roll ad break para sa maraming video:
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Pumili ng maraming video, pagkatapos ay piliin ang “Mga setting ng ad” mula sa menu na I-edit.
  4. Lagyan ng check ang “Maglagay ng mga ad sa video (mid-roll)” para i-on o i-off ang mga mid-roll ad break. Kapag naka-on, awtomatikong inilalagay ang mga mid-roll bilang default.
  5. Piliin kung gusto mo lang i-update ang mga video na walang ad break o palitan ang anumang kasalukuyang ad break.
  6. Piliin ang I-UPDATE ANG MGA VIDEO at sundin ang mga ipinapakitang hakbang para kumpirmahin ang pagbabagong ito.
  7. Kumpletuhin ang pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagpili sa I-UPDATE ANG MGA VIDEO.

Baguhin ang default sa pag-upload ng channel para sa mga mid-roll ad break

Puwede mog baguhin ang mga setting ng default sa pag-upload para sa iyong channel para magtampok ng mga mid-roll ad break para sa mga pag-upload sa hinaharap. Kung gusto mo, puwede mo ring i-off ang setting na ito:
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Mga Setting.
  3. Piliin ang Mga default sa pag-upload at pagkatapos ay Pag-monetize.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “Maglagay ng mga ad sa video (mid-roll)” para i-on o i-off ang mga mid-roll ad break. Kapag naka-on, awtomatikong inilalagay ang mga mid-roll bilang default.
  5. Piliin ang I-SAVE.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
11598202204676595848