Manood ng mga video offline sa mobile sa mga piling bansa at rehiyon

Sa mga piling lugar, puwede kang mag-download ng ilang partikular na video mula sa YouTube mobile app para i-play offline.

Available ang mga feature na inilalarawan sa artikulong ito sa mga lokasyong nakalista sa ibaba. Kung available sa iyong lokasyon ang YouTube Premium, puwede kang manood ng mga na-download na video sa mobile device mo sa pamamagitan ng pagiging miyembro ng YouTube Premium. Kung miyembro ka ng YouTube Premium, alamin kung paano pamahalaan ang iyong mga setting ng pag-download.

Mga lokasyon kung saan available ang pag-download ng mga video

Posibleng hindi available ang YouTube sa mga sumusunod na lokasyon, kaya posibleng hindi ito gumagana sa mga teritoryong ito. Nagsusumikap kaming magdagdag ng mas maraming teritoryo at maghatid ng naka-localize na bersyon ng YouTube sa mas maraming bansa/rehiyon.

  • Afghanistan
  • Algeria
  • Angola
  • Antarctica
  • Armenia
  • Azerbaijan
  • Bahrain
  • Bangladesh
  • Benin
  • Bhutan
  • Botswana
  • Bouvet Island
  • British Indian Ocean Territory
  • Brunei
  • Burkina Faso
  • Burundi
  • Côte d'Ivoire
  • Cambodia
  • Cameroon
  • Cape Verde
  • Central African Republic
  • Chad
  • Comoros
  • Cook Islands
  • Democratic Republic of the Congo
  • Djibouti
  • Egypt
  • Equatorial Guinea
  • Eritrea
  • Eswatini
  • Ethiopia
  • Federated States of Micronesia
  • Fiji
  • French Guiana
  • French Polynesia
  • Gabon
  • Georgia
  • Ghana
  • Grenada
  • Guam
  • Guinea
  • Guinea-Bissau
  • India
  • Indonesia
  • Iran
  • Iraq
  • Israel
  • Jordan
  • Kenya
  • Kiribati
  • Kuwait
  • Kyrgyzstan
  • Laos
  • Lebanon
  • Lesotho
  • Liberia
  • Libya
  • Macau
  • Madagascar
  • Malawi
  • Malaysia
  • Maldives
  • Mali
  • Marshall Islands
  • Mauritania
  • Mauritius
  • Mayotte
  • Moldova
  • Mongolia
  • Morocco
  • Mozambique
  • Myanmar (Burma)
  • Namibia
  • Nauru
  • Nepal
  • New Caledonia
  • Niger
  • Nigeria
  • Northern Mariana Islands
  • Oman
  • Pakistan
  • Palau
  • Palestine
  • Papua New Guinea
  • Pilipinas
  • Qatar
  • Republic of the Congo
  • Reunion
  • Rwanda
  • São Tomé and Príncipe
  • Saint Helena
  • Saint Pierre and Miquelon
  • Samoa
  • Saudi Arabia
  • Senegal
  • Seychelles
  • Sierra Leone
  • Slovakia
  • Solomon Islands
  • Somalia
  • South Africa
  • South Sudan
  • Sri Lanka
  • Sudan
  • Svalbard and Jan Mayen
  • Tajikistan
  • Tanzania
  • Thailand
  • The Gambia
  • Timor-Leste
  • Togo
  • Tonga
  • Tunisia
  • Turkey
  • Turkmenistan
  • Tuvalu
  • Uganda
  • United Arab Emirates
  • Uzbekistan
  • Vanuatu
  • Vietnam
  • Western Sahara
  • Yemen
  • Zambia
  • Zimbabwe

Mag-download ng mga video para makapanood offline

Kung ikaw ay nasa isa sa mga bansa/rehiyong nakalista sa itaas, puwede kang mag-download ng ilang partikular na video mula sa YouTube mobile app para panoorin offline. Magiging available ang mga video na ito nang hanggang 48 oras. Pagkatapos nito, kakailanganin mong ikonekta ulit ang iyong device sa mobile o Wi-Fi network kada 48 oras. Sa pamamagitan ng pagkonekta ulit, masusuri ng app kung may mga pagbabago sa video o sa availability nito.

  1. Pumunta sa Page sa panonood ng video.
  2. Sa ibaba ng video, i-tap ang I-download o i-tap ang Higit pa at pagkatapos ay I-download.
  3. Kapag na-download na ang video, magiging asul ang Na-download sa ibaba ng video.

Kung mawawalan ng koneksyon ang iyong device habang nagda-download ka ng video o playlist, awtomatikong magpapatuloy ang pag-usad mo kapag kumonekta ka ulit sa internet.

Tandaan: Sa ilang bansa/rehiyon, mape-play ang non-music na content sa loob ng hanggang 29 na araw nang hindi nangangailangan ng koneksyon sa internet. Kakailanganin mong kumonekta ulit sa internet nang kahit isang beses man lang kada 29 na araw pagkatapos noon.

Matuto pa tungkol sa mga offline na video sa YouTube.

Tumingin at mag-alis ng mga na-download na video

Mag-alis ng mga indibidwal na video

Para tumingin ng mga video o playlist na na-download na, i-tap ang Mga Download  sa tab na Library ng YouTube mobile app.

Puwede kang mag-alis ng mga video na na-download mo na sa dalawang paraan:

  1. I-tap ang Na-download  sa ibaba ng video na gusto mong alisin.
  2. Piliin ang I-delete.

O kaya naman

  1. Pumunta sa tab na Library sa YouTube mobile app. 
  2. I-tap ang Mga Download
  3. I-tap ang Higit pa  sa tabi ng video na gusto mong alisin.
  4. Piliin ang I-delete sa mga download.

Alisin ang lahat ng na-download na video

Puwede mong tingnan at i-delete ang mga video na na-download mo gamit ang mga sumusunod na hakbang:

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile  at pagkatapos ay Mga Setting  .
  2. Sa Mga Setting, i-tap ang Background at mga download at pagkatapos ay I-delete ang lahat ng download.
  3. I-tap ang I-delete sa dialog sa ibaba ng "I-delete ang lahat ng na-download na video at playlist?"

I-update ang mga setting ng Pag-download

Bilang default, nagda-download lang ng mga video sa pamamagitan ng Wi-Fi at mobile data. Para payagang ma-download ang mga video o playlist sa pamamagitan ng mga mobile network, i-tap ang iyong larawan sa profile  at pagkatapos ay Mga Setting   at pagkatapos ay Background at mga download at i-off ang Mag-download lang sa pamamagitan ng Wi-Fi.

Itakda ang default na kalidad ng iyong mga download sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Setting  at pagkatapos ay Background at mga download at pagkatapos ay Kalidad ng download. Ang mga video na may mas mataas na kalidad ay posibleng kumonsumo ng mas malaking data, mas matagalan bago lumabas sa seksyong Mga Download, at gumamit ng mas malaking espasyo sa iyong device.

Para tingnan kung gaano pa kalaking espasyo ang natitira sa iyong device para sa mga nada-download na content, i-tap ang larawan sa profile mo  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Background at mga download sa app. Kung mas mababa na sa 5% ang iyong storage space na natitira sa device mo, hindi ka na puwedeng mag-download ng mga karagdagang video. Para magbakante ng karagdagang espayo, subukang mag-alis ng mga kasalukuyang download o iba pang content na naka-store sa iyong device.

Pagiging available offline

Hindi available ang ilang video para sa offline na pag-playback. Sa karamihan ng mga bansa/rehiyon, kung hindi available ang isang video para sa offline na pag-playback, hindi magiging available ang I-download .

Mga Paalala:
  • Sa India, simula sa Oktubre 29, 2020, kakailanganin ng mga user ng subscription sa YouTube Premium para ma-download ang T-Series Music.
  • Sa South Africa at India, magiging available na i-download ang mga video sa YouTube (hindi kabilang ang Mga Palabas at Pelikula na puwedeng bilhin). Gayunpaman, kailangang may membership sa YouTube Premium ang ilan para makapagpatuloy.
    • Para sa mga video na ito, kung hindi ka pa miyembro, kapag na-tap ang I-download , hihilingin sa iyong mag-sign up para sa YouTube Premium. Bilang miyembro ng YouTube Premium, puwede mong i-download ang video.

Puwedeng i-play ang mga na-download na video offline nang hanggang 48 oras. Pagkatapos nito, kakailanganin mong ikonekta ulit ang iyong device sa isang mobile o Wi-Fi network sa tuwing 48 oras. Kapag ikinonekta ito ulit, masusuri ng app kung may mga pagbabago sa video o sa availability nito. Kung hindi na available para sa offline na pag-playback ang isang video, aalisin ito sa iyong device sa susunod na pag-sync.

Naka-sign in ka dapat para makapag-download ng mga video. Puwedeng i-play ang mga video o playlist na naidagdag sa Mga Download habang naka-sign in sa account na iyon. Available lang ang ilang feature, gaya ng pagkomento at pag-like, kapag nakakonekta ang iyong device sa mobile o Wi-Fi network.

Mga inirerekomendang i-download

Magkakaroon ng listahan ng inirerekomendang content sa page ng Mga Download sa ibaba ng anumang video na na-download mo na. Puwede ring magkaroon ng pop-up ng panel sa ibaba ng iyong screen kapag mayroon kaming mga bagong rekomendasyon sa pag-download.

Para mag-download ng mga inirerekomendang video, i-tap ang I-download .

Hindi awtomatikong mase-save ang mga inirerekomendang i-download sa iyong device, at hindi gagamitin ang storage mo para sa mga ito, maliban na lang kung ita-tap mo ang I-download  para i-save ang mga ito. Kung ita-tap mo ang I-download habang offline ka, mada-download ang video sa susunod na pagkakataong kumonekta ka sa isang network na naaprubahan para sa mga download.

Kung gusto mong mag-opt out sa pagtanggap ng mga rekomendasyon sa pag-download:

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile  .
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Background at Mga Download.
  3. I-off ang Magrekomenda ng Mga Download.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12031200155422069765
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false