Mag-sign in sa YouTube app sa iyong smart TV o game console

Mag-sign in sa YouTube app para magamit ang mga feature na tulad ng panonood ng may bayad na content, pag-subscribe sa mga channel, at pagtingin sa iyong Library.

Kapag naka-sign in ka na, puwede mo nang alamin ang pasikot-sikot sa YouTube app sa iyong smart TV o game console. Puwede mo ring ikonekta ang iyong device sa smart TV mo at gamitin ang iyong telepono o tablet bilang remote.

Tandaan:

Paano Mag-sign In sa YouTube sa Iyong TV

Simulan ang proseso ng pag-sign in sa iyong smart TV o game console

  1. Para magsimula, buksan ang YouTube app sa iyong TV o game console. Kung hindi pa ito naka-install, i-download ang YouTube app mula sa app store ng iyong TV o console.
  2. Pumunta sa navigation sa kaliwang bahagi.
  3. Piliin ang Mag-sign in .

Puwede kang mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong telepono, TV, o web browser.

Ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in gamit ang iyong telepono

Tandaan: Available lang sa mga piling device ang pag-sign in gamit ang iyong telepono. Kung hindi ka makapag-sign in gamit ang iyong telepono, subukang mag-sign in sa TV mo o gamit ang web browser.
  1. Tiyaking nasa iisang Wi-Fi network ang iyong TV at mobile device.
  2. Piliin ang Mag-sign in gamit ang iyong telepono.
  3. Sa iyong telepono, buksan ang YouTube app.
  4. Sundin ang mga tagubilin para mag-sign in sa iyong TV.

Ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in sa iyong TV

Tandaan: Kung hindi ka makapag-sign in gamit ang iyong TV, subukang mag-sign in gamit ang telepono mo o web browser.
  1. Piliin ang Mag-sign in sa iyong TV.
  2. Gamitin ang keyboard para ilagay ang iyong email o numero ng telepono para sa Google Account mo.
  3. I-click ang Susunod.
  4. Gamitin ang keyboard para ilagay ang password para sa iyong Google Account.
  5. I-verify ang iyong account.

Ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in gamit ang web browser

Tandaan: Kung hindi ka makapag-sign in gamit ang web browser, subukang mag-sign in sa iyong TV o gamit ang telepono mo.
  1. Piliin ang Mag-sign in gamit ang isang web browser.
  2. May lalabas na code sa iyong TV.
  3. Sa iyong telepono, tablet, o computer, magbukas ng browser at pumunta sa youtube.com/tv/activate.
  4. Ilagay ang code na ipinapakita sa iyong TV.
  5. Mag-sign in sa iyong account.

Gumamit ng iba't ibang account sa iyong Smart TV o game console

Sa YouTube app sa iyong smart TV o game console, puwede kang mag-sign in sa iba't ibang account at walang kahirap-hirap na magpalipat-lipat sa mga account na ito. Puwedeng magdagdag ang mga miyembro ng iyong sambahayan ng sarili nilang mga account, at puwedeng gamitin ng mga bisita ang YouTube habang naka-sign out (guest mode). Binibigyang-daan ng guest mode ang iba na gamitin ang YouTube sa iyong TV o game console habang naka-sign out. Hindi maaapektuhan ng anumang pagkilos na ginawa habang naka-sign out sa guest mode ang mga rekomendasyon sa iyong account.

Tandaan: Kung pipiliin mo ang profile ng iyong anak, o isang profile ng bisita sa YouTube Kids, mapupunta ka sa YouTube Kids. Matuto pa tungkol sa experience na ito.

Magdagdag ng isa pang Google Account sa iyong smart TV o game console

Para magdagdag ng isa pang account sa YouTube app sa iyong smart TV o game console:

  1. Buksan ang YouTube app sa iyong TV o game console.
  2. Kung bubukas ang app nang tinatanong ka kung “Sino'ng Nanonood?” piliin ang naaangkop na opsyon:
    1. Bisita: Nagbibigay-daan sa iyong magamit ang YouTube nang naka-sign out.
    2. YouTube Kids: Nagbibigay-daan sa iyong anak na gamitin ang YouTube Kids habang naka-sign out. Lalabas lang ang opsyong ito kung nag-set up ka ng profile ng bisita sa YouTube Kids.
    3. Magdagdag ng account: Nagbibigay-daan sa iyong mag-sign in sa account mo.
    4. Magdagdag ng profile sa YouTube Kids: Nagbibigay-daan sa iyong mag-sign in sa isang profile sa YouTube Kids.
  3. Kung bubukas ang app nang naka-sign in sa isang account:
    1. Pumunta sa navigation sa kaliwang bahagi.
    2. Sa itaas, piliin ang iyong larawan sa profile.
    3. Sa tab na Mga Account, piliin ang naaangkop na opsyon:
      1. Bisita: Nagbibigay-daan sa iyong magamit ang YouTube nang naka-sign out.
      2. Magdagdag ng account: Nagbibigay-daan sa iba pang miyembro ng iyong sambahayan na idagdag ang kanilang account. Puwede kang mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong TV o personal na device.
      3. Mag-set up ng YouTube Kids: Nagbibigay-daan sa iyong mag-set up ng profile ng bisita sa YouTube Kids na puwedeng gamitin ng anak mo habang naka-sign out.

Magpalipat-lipat ng naka-sign in na Google Account sa iyong smart TV o game console

Madali kang makakapagpalipat-lipat ng naka-sign in na account sa iyong smart TV o game console.

Tandaan: Makakapagpalipat-lipat ka lang ng account kapag naidagdag mo na ang account sa iyong smart TV o game console. Kung kailangan mong magdagdag ng account, gamitin ang mga tagubilin sa itaas at pagkatapos ay gamitin ang mga tagubilin dito para magpalipat-lipat ng account.

Para magpalipat-lipat ng naka-sign in na account sa YouTube app sa iyong smart TV o game console:

  1. Buksan ang YouTube app sa iyong TV o game console.
  2. Kung bumukas ang app na:
    1. Tinatanong ka kung “Sino'ng Nanonood?”:
      1. Piliin ang account na gusto mong gamitin para sa YouTube.
    2. Naka-sign in na sa isang account:
      1. Pumunta sa navigation sa kaliwang bahagi.
      2. Sa itaas, piliin ang larawan sa profile.
      3. Sa tab na Mga Account, piliin ang account na gusto mong gamitin para sa YouTube.

Mag-troubleshoot ng mga isyu sa pag-sign in sa iyong smart TV o game console

Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign in sa YouTube gamit ang iyong Google Account, puwede kang humingi ng tulong sa pag-sign in.

Hindi sinusuportahan ang pag-sign in nang direkta sa YouTube sa mga mas lumang Chromecast device. Puwede mong kontrolin ang iyong session ng pag-cast mula sa telepono mo gamit ang account kung saan ka naka-sign in sa iyong telepono. Gamit ang isang remote control, puwede mong gamitin ang YouTube app nang naka-sign out.

Para makipag-ugnayan sa mga video (tulad ng pag-like ng mga video o pag-subscribe sa mga creator), patuloy na gamitin ang iyong mobile device.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
3122901635503422751
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false