Ayusin ang maling impormasyon ng track, album, o artist

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube para pamahalaan ang kanilang naka-copyright na content.

Ang impormasyong ipinapakita sa isang Art Track ay mula sa metadata na nasa spreadsheet na "Audio - Mga Art Track" o DDEX file na ginamit mo para i-deliver ang art track. Tingnan ang Paggawa ng Mga Art Track para sa mga detalye tungkol sa kung aling mga field ng metadata ang nauugnay sa Art Track at sa paglalarawan nito.

Kung mali ang impormasyong nasa Art Track o paglalarawan nito, may ilang paraan para maitama mo ito:

  • Button na Mag-request ng pagbabago: Ang button na "Mag-request ng pagbabago" ay nagbibigay-daan sa iyong mag-ulat ng ilang partikular na isyu sa YouTube nang direkta mula sa Content Manager ng Studio:
    1. Mag-sign in sa Content Manager ng Studio.
    2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Mga Asset .
    3. Sa itaas ng page, i-click ang tab na Mga art track.
    4. I-click ang pamagat ng art track.
    5. Sa page na Pangkalahatang-ideya , i-click ang MAG-REQUEST NG PAGBABAGO.
    6. Pumili ng "Uri ng problema" mula sa dropdown , tulad ng:
      • Hindi nauugnay ang art track sa gustong channel ng artist.
      • Hindi nauugnay ang art track sa gustong music video.
      • Mali ang pangunahin o itinatampok na artist ng art track.
      • Mali ang spelling, format, o pagsasalin ng art track.
      • Hindi nape-play o nakikita ang art track gaya ng inaasahan sa produkto.
    7. Ilagay ang mga natitirang detalye.
    8. I-click ang ISUMITE.
Tip: Para makita ang mga item na may mga nakabukas o nakasarang pagbabago, puwede mong i-filter ang iyong mga tab na Mga Release at Mga art track sa pamamagitan ng pag-click sa bar ng filter  at pagkatapos ay Mga request sa pagbabago at pagkatapos ay Nakabukas o Nakasara at pagkatapos ay ILAPAT.

Redelivery

Kung may mapansin kang mga error sa discography mo, gaya ng mga maling pamagat ng album o metadata ng kanta, makipag-ugnayan sa iyong label o distributor.

Puwede mong itama ang impormasyon sa pamamagitan ng pag-deliver ng bagong bersyon ng metadata o sa pamamagitan ng pag-request ng pagtanggal ng Art Track at pag-redeliver dito. Para mag-update ng isang track sa isang album, dapat mong isama ang metadata para sa lahat ng track sa album, kahit na iyong mga walang anumang pagbabago.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1864894386603747188
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false