Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube para pamahalaan ang kanilang naka-copyright na content.
Kung hindi maganda ang kalidad ng audio, suriin ito para matiyak na nakakatugon sa mga detalye ang file na inihatid mo. Halimbawa, kung naghatid ka ng MP3 file, malamang ay mababa ang bit rate nito kaya hindi maganda ang tunog nito sa YouTube. Ipadalang muli ang track nang may audio file na may mas magandang kalidad; mas mainam kung hindi naka-compress ang format nito.