I-update ang Mga Art Track

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube para pamahalaan ang kanilang naka-copyright na content.

Kung ang Art Track para sa isa sa iyong mga recording ng tunog ay nagpapakita ng maling impormasyon ng track, puwede mong i-update ang Art Track gamit ang parehong paraang ginamit mo para i-deliver ang iyong mga orihinal na recording ng tunog:

Kasama dapat sa mga mensahe ng pag-update ang lahat ng metadata para sa recording ng tunog, hindi lang ang mga na-update na value. Halimbawa, kung nagbigay ka dati ng custom ID para sa recording ng tunog, kailangan mong isama ang custom ID sa mensahe ng pag-update. Para mag-update ng iisang track sa isang album, dapat mong isama ang metadata para sa lahat ng track sa album, kahit ang mga track na hindi na-update.
Kapag in-update ang mga ISRC code sa isang release, tatanggalin ang mga dati nang na-deliver na asset ng art track at gagawa ng mga bago.

Kung ina-update mo ang alinman sa mga media file na ginagamit para sa Art Track, i-upload ang mga file kasama ng spreadsheet o DDEX file. Dapat matugunan ng mga media file ang kinakailangang mga detalye. Hindi mo kailangang mag-upload ulit ng anumang media file na walang pagbabago.

Tandaan: Kung album artwork lang ang gusto mong i-update, puwede kang magpadala ng update na may:
  • Bagong image file ng artwork lang, o
  • Bagong image file ng artwork at lahat ng audio file

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17058579246227747360
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false