Magbahagi ng mga video at channel

 

Magbahagi ng mga video 

  1. Magsimulang manood ng video sa youtube.com.

  2. Sa ilalim ng video, i-click ang Ibahagi .

  3. May lalabas na panel na nagpapakita ng iba't ibang opsyon sa pagbabahagi:
    • Mga social network: Mag-click sa isang icon ng social network (halimbawa, Facebook, Twitter) para ibahagi ang video roon.
    • Email: Piliin ang icon ng email para magpadala ng email gamit ang default na email software sa iyong computer.
    • Embed: I-click ang button na Mag-embed para bumuo ng code na magagamit mo para i-embed ang video sa isang website.
    • Kopyahin ang link: I-click ang button na Kopyahin para kopyahin ang link sa video na mape-paste mo sa ibang lugar, gaya ng sa mensahe sa email.
    • Magsimula sa: Para mag-link sa isang partikular na bahagi ng video, lagyan ng check ang kahong ito at ilagay ang oras ng pagsisimula bago mo kopyahin ang link. Halimbawa, para simulan ang video sa 2 minuto at 30 segundo, lagyan ng check ang kahon at ilagay ang “2:30.”  
    • Post sa komunidad: Kung mayroon kang access sa tab na Komunidad, puwede kang magbahagi ng video sa isang pampublikong post.

Magbahagi ng mga channel

  1. Pumunta sa page ng Channel. 
  2. Sa address bar ng browser, kopyahin ang URL.
  3. I-paste ang URL sa kung saan mo ito gustong ibahagi.

Kung isa kang creator at gusto mong gumawa ng custom na URL ng channel na madaling maibabahagi ng iyong mga subscriber, idagdag sa URL ng YouTube ang pangalan ng Channel mo sa YouTube.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
59
false