Mga Video
Puwede kang mag-share ng mga video sa pamamagitan ng pagkopya ng link ng video at pagpapadala rito sa isa pang app sa iyong telepono:
- Pumunta sa video na gusto mong i-share.
- Sa ilalim ng video player, i-tap ang I-share .
- Piliin ang Kopyahin ang link, o pumili ng app upang direktang ibahagi ang link sa pamamagitan ng app na iyon.
Mga channel
Makakapag-share ka rin ng mga channel sa app.
- Pumunta sa channel na gusto mong i-share.
- I-tap ang Higit pa .
- I-tap ang Ibahagi .
Kung gusto mong gumawa ng custom na URL ng channel na madaling maibabahagi, idagdag ang pangalan ng iyong Channel sa YouTube sa URL ng YouTube.