I-delete o itago ang iyong channel sa YouTube

Puwede mong piliing pansamantalang itago ang content sa iyong channel o tuluyang i-delete ang channel mo.

How to hide or delete your YouTube channel

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Pansamantalang itago ang iyong channel 

Puwede kang magtago ng content mula sa iyong channel sa YouTube at piliing i-enable ulit ito sa ibang pagkakataon. Sa pamamagitan ng pag-hide ng iyong channel, magiging pribado ang pangalan ng channel, mga video, like, subscription, at subscriber.

I-hide ang iyong channel o ang content ng channel mo:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang sidebar, piliin ang Mga Setting .
  3. Piliin ang Channel at pagkatapos ay Mga Advanced na Setting.
  4. Sa ibaba, piliin ang Alisin ang Content sa YouTube.
    1. Tandaan: Dadalhin ka ng link na ito sa page kung saan puwede mong i-delete o i-hide ang iyong channel. Posibleng hilingin sa iyong ilagay ang mga detalye mo sa pag-sign in.
  5. Piliin ang Gusto kong i-hide ang aking channel.
  6. Piliin ang mga box para kumpirmahin kung ano ang iha-hide sa iyong channel.
  7. Piliin ang Itago ang aking channel.

Kung gusto mong gawing napapanood ng iba ang iyong content, o kung gusto mong mag-upload, magkomento, o gumamit ng mga playlist, puwede mong i-enable ulit ang channel.

Permanenteng i-delete ang iyong channel

Kapag isinara mo ang iyong channel sa YouTube, tuluyang made-delete ang content mo, kabilang ang mga video, komento, mensahe, playlist, at history. Tandaang hindi ka makakapag-delete ng channel sa mga mobile device sa kasalukuyan.

Kung pipiliin mong permanenteng i-delete ang iyong channel, posibleng mas mahirapan kaming i-recover ang account mo.

I-delete ang iyong channel sa YouTube:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang sidebar, piliin ang Mga Setting .
  3. Piliin ang Channel at pagkatapos ay Mga Advanced na Setting.
  4. Sa ibaba, piliin ang Alisin ang Content sa YouTube. Kung hilingin sa iyo, ilagay ang iyong mga detalye sa pag-sign in.
  5. Piliin ang Gusto kong tuluyang i-delete ang aking content.
  6. Piliin ang mga kahon para kumpirmahin na gusto mong i-delete ang iyong channel.
  7. Piliin ang I-delete ang aking content.

Puwedeng abutin nang ilang sandali bagong permanenteng ma-delete ang iyong channel. Pansamantala, puwedeng patuloy mong makita ang mga thumbnail ng iyong mga video sa site.

Tandaan: Ang iyong channel sa YouTube lang ang made-delete sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, hindi ang Google Account na ginagamit mo para mag-sign in. Alamin kung paano i-delete ang iyong buong Google Account.

Pagkatapos mong i-delete ang isang channel, hindi na makikita o mahahanap sa YouTube Analytics ang URL at pangalan ng channel na iyon. Ang data na nauugnay sa channel, gaya ng haba ng panonood, ay magiging bahagi pa rin ng pinagsama-samang mga ulat pero hindi ito ia-attribute sa na-delete na channel.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5322997847270851351
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false