Baguhin ang mga setting ng notification

Gamitin ang mga setting ng notification para pamahalaan kung makakatanggap ka ng mga notification sa email at mobile tungkol sa aktibidad sa iyong channel, kabilang ang mga bagong komento at sagot.

Kapag sinusuri ang mga setting, tandaang kapag may magkakasunod na komento sa isang video, posibleng hindi magkaroon ng notification para sa bawat isa sa mga ito. Sa halip, papadalhan ka namin ng paminsan-minsang notification.

Pamahalaan ang mga notification

Tiyaking naka-on ang mga notification sa YouTube para sa iyong device.
  1. Pumunta sa Mga Setting at pagkatapos ay Mga app at notification ng iyong device.
  2. Hanapin ang YouTube sa listahan ng mga app at tiyaking i-on ang mga notification.

YouTube Studio app para sa Android

  1. Pumunta sa Mga Setting ng iyong device at pagkatapos ay Mga Notification.
  2. Hanapin ang YouTube Studio sa listahan ng mga app at tiyaking i-on ang mga notification.

YouTube Android app

  1. Pumunta sa Mga Setting ng iyong device at pagkatapos ay Mga Notification.
  2. Hanapin ang YouTube sa listahan ng mga app at tiyaking i-on ang mga notification.

Pamahalaan ang mga notification ng komento

YouTube Studio app para sa Android

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga push notification .
  4. I-on o i-off ang mga notification na gusto mo: Mga Komento, Analytics, Mga Achievement, Patakaran, at Kumita.

YouTube Android app

Buksan ang YouTube app .
I-tap ang iyong larawan sa profile .
I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga push notification .
I-on o i-off ang mga notification na gusto mo: Mga Komento, Analytics, Mga Achievement, Patakaran, at Kumita.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga notification sa mobile, tingnan ang Pamahalaan ang mga notification sa YouTube.

May nawawalang komento?
Posibleng hindi mo makita ang isang komento pagkatapos makatanggap ng notification. Ang mga karaniwang dahilan kung bakit posibleng hindi mo makita ang isang komento ay ang pag-delete ng user sa kanyang komento, o ang pag-aalis nito dahil sa patakaran.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13722476000756061897
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false