Mga asset at object sa YouTube na ginawa para sa Mga Art Track

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube para pamahalaan ang kanilang naka-copyright na content.

Kapag pinoproseso nito ang content ng DDEX na mensahe ng YouTube Music o spreadsheet ng maramihang pag-upload na "Audio - Mga Art Track", gumagawa ang YouTube ng mga object sa system ng pamamahala ng mga karapatan at iniuugnay nito ang mga ito sa iyong partner account.

Para sa mga mensaheng may bagong content, gagawin ng YouTube ang mga object na ito:

  • Para sa bawat album (DDEX <Release> na may <ReleaseType> na Album), gagawa ng playlist ang YouTube. Ang playlist ay binubuo ng mga track nito (sa DDEX, ang mga pangunahing resource na tinukoy sa <ReleaseResourceReferenceList> para sa release).

  • Para sa bawat track (sa DDEX, bawat <SoundRecording> sa <ResourceList>), gumagawa ang YouTube ng:

    • Asset ng sound recording, kung wala pang ganito para sa parehong ISRC code. Idinaragdag ang audio file bilang hindi aktibong reference na file para sa asset. Para gumawa ng aktibong reference na file na gagamitin sa Content ID, gamitin ang CSV template na “Audio - Sound Recording” o DDEX feed na YouTube_ContentID.
    • Asset ng art track, na walang reference na file. Kung magbibigay ka ng ProprietaryId para sa recording, ise-save ang ID bilang custom_id ng asset ng art track.
    • Kaugnayan sa pagitan ng asset ng sound recording at asset ng art track
    • Art Track
    • Claim sa Art Track mula sa asset ng art track
  • Itatakda ng YouTube ang pagmamay-ari sa art track at maglalapat ito ng patakaran sa paggamit dito. Imo-monetize ng patakaran ang Art Track sa mga teritoryo kung saan ka nag-claim ng pagmamay-ari at iba-block ito ng patakaran sa lahat ng iba pang teritoryo kung saan walang tinukoy na pagmamay-ari. Mula sa DDEX file, itatakda ng YouTube ang pagmamay-ari batay sa <ReleaseDeal> na tumutukoy sa mga tuntunin ng subscription para sa indibidwal na track; mula sa spreadsheet, ginagamit nito ang track_territory_start_dates.

    Kung hindi magbibigay ng mga tuntunin ng subscription ang DDEX na mensahe, maglalapat ang YouTube ng patakarang magba-block sa Art Track sa buong mundo. Hindi available ang na-block na Art Track sa serbisyong may mga ad o sa serbisyong nangangailangan ng subscription.

Para sa mga mensaheng naglalaman ng mga update, ina-update ng YouTube ang mga dati nang ginawang object gamit ang mga pinakabagong update. Halimbawa, kung nagbibigay ng mga bagong tuntunin ng subscription ang mensahe ng update, ia-update ng YouTube ang patakarang inilalapat sa Art Track.

Isang Art Track lang ang gagawin ng YouTube para sa bawat ISRC code. Kung mahigit isang partner sa musika ang magsusumite ng content para sa parehong ISRC code at parehong teritoryo, gagawin ng YouTube ang Art Track gamit ang metadata, artwork, at audio file mula sa pagsusumiteng may pinakamaagang petsa ng pag-release. Itatakda rin ng YouTube ang pagmamay-ari sa asset ng art track batay sa pinakamaagang petsa ng pag-release sa bawat teritoryo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
783577457451832787
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false