Ipinapaalam sa iyo ng mga notification sa YouTube kapag may mga bagong video at update mula sa mga paborito mong channel at iba pang content. Papadalhan ka namin ng mga notification para sa mga channel kung saan ka naka-subscribe at puwede rin kaming magpadala ng mga notification batay sa iyong mga interes. Puwede mong i-customize kung ilan sa mga notification na ito ang matatanggap mo at kung aling mga uri.
Baguhin ang iyong mga preference sa notification
- Mag-sign in sa YouTube.
- Sa itaas ng iyong screen, i-click ang larawan sa profile mo
.
- I-click ang Mga Setting
.
- I-click ang Mga Notification.
- Sa ilalim ng “Pangkalahatan,” piliin ang mga uri ng mga notification sa mobile at desktop na gusto mong matanggap.
- Sa ilalim ng “Mga notification sa email,” piliin ang mga uri ng mga notification sa email na gusto mong matanggap.
Pamahalaan ang mga notification sa Google Chrome.
Puwede mong piliing makatanggap ng mga naka-personalize na notification sa YouTube kapag ginagamit ang browser na Google Chrome. Kapag na-on mo ang mga ito, makakatanggap ka ng mga pop-up na notification sa iyong browser na may mga update mula sa mga channel kung saan ka naka-subscribe.
- Mag-sign in sa YouTube.
- Pumunta sa iyong mga setting ng notification.
- Sa ilalim ng "Mga notification sa desktop," i-click ang button sa tabi ng Chrome para i-on o i-off ang mga notification.
Kung wala kang opsyong "Mga notification sa desktop," posibleng naka-off ang iyong mga notification sa Chrome. Matuto pa tungkol sa kung paano i-update ang mga setting ng notification sa Chrome mo.
Mag-subscribe sa isang channel para makatanggap ng mga notification
Kapag nag-subscribe ka sa isang channel, awtomatiko kang makakatanggap ng mga naka-personalize na notification na may mga naka-personalize na highlight mula sa channel na iyon. Puwede mong gawing Lahat ng notification ang iyong mga setting ng notification mula sa Naka-personalize
para makatanggap ng higit pang notification, o puwede mong piliin ang Wala
kung ayaw mo ng mga notification.
- Pumunta sa page ng channel o page sa panonood.
- Kung hindi ka naka-subscribe, i-click ang Mag-subscribe. Kapag nag-subscribe ka sa isang channel, awtomatiko kang makakatanggap ng mga naka-personalize na notification.
- I-click ang Notification bell
para magpalipat-lipat sa pagtanggap ng “Lahat ng notification” at “Mga naka-personalize na notification.”
- Lahat ng notification
: Makakatanggap ka ng mga notification sa mobile, web, o inbox para sa mga long-form upload at live stream. Posible ka ring makatanggap ng ilang naka-personalize na notification para sa Shorts batay sa iyong mga subscription at history ng panonood.
- Mga naka-personalize na notification
: Makakatanggap ka ng mga notification para sa ilang upload, Short, at live stream. Nag-iiba-iba ang kahulugan ng "naka-personalize" ayon sa user. Gumagamit ang YouTube ng iba't ibang signal para magpasya kung kailan ka papadalhan ng mga notification. Kasama sa impormasyong ito ang iyong history ng panonood, gaano ka kadalas manood ng ilang partikular na channel, gaano kasikat ang ilang video, at gaano ka kadalas magbukas ng mga notification.
Kung ikaw ay nag-unsubscribe at pagkatapos ay nag-subscribe ulit sa isang channel, mare-reset ang iyong mga setting ng notification sa naka-personalize o walang notification. Kung gusto mong makatanggap ng notification para sa bawat pag-upload, tiyaking na-on mo ang lahat ng notification.
Hindi ka makakatanggap ng mga notification kung nakatakda bilang para sa bata ang audience ng isang channel. Gayundin, itatakda ang notification bell sa walang notification . Hindi mo mababago ang setting na ito.
Tingnan ang iyong mga notification
- Sa anumang browser, buksan ang YouTube.
- Sa itaas ng page, i-click ang Notification bell
para makita ang mga notification.
- Piliin ang notification kung saan ka interesado para tingnan ang video, komento, o post.
Bagama't magagawa ng mga notification na ipaalam sa iyo kapag may mga bagong video at update sa pag-share mula sa mga subscription mo, at ipaalam sa iyo ang tungkol sa content na posibleng magustuhan mo, puwede mo ring tingnan ang iyong subscriptions feed para makita ang mga kamakailang na-upload na video mula sa mga channel kung saan ka naka-subscribe.