Gumamit ng musika at mga sound effect mula sa Audio Library

Sa Audio Library sa YouTube Studio, makakakita ka ng royalty-free na musika sa produksyon at mga sound effect na magagamit sa iyong mga video. 

Walang copyright ang musika at mga sound effect mula sa YouTube Audio Library. Eksklusibong makikita ang Audio Library sa YouTube Studio.

Buksan ang Audio Library

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Audio library.

Puwede mo ring i-access nang direkta ang Audio Library sa youtube.com/audiolibrary.

Maghanap sa Audio Library

Maghanap ng musika

Sa tab na Libreng musika, gamitin ang mga filter  at search bar para maghanap ng mga track para sa iyong mga video. 

Para maghanap ng isang partikular na track, maglagay ng pamagat ng track, artist, o keyword sa search bar. Puwede ka ring gumamit ng mga filter para maghanap ng musika ayon sa pamagat ng track, genre, mood, pangalan ng artist, attribution, at tagal (haba sa segundo). 

Pinuhin ang mga resulta ng paghahanap sa pamamagitan ng pag-click sa filter  sa tabi ng artist, genre, o mood ng mga indibidwal na track. Puwede mong pagbukud-bukurin ang iyong mga resulta ng paghahanap ayon sa pamagat ng track, pangalan ng artist, tagal, o petsa, sa pamamagitan ng pag-click sa mga pangalan ng column ng mga ito.

I-save ang mga paborito mong track sa pamamagitan ng pag-click sa icon na star sa tabi ng pamagat ng track. Para makakita ng listahan ng mga paborito mong track, i-click ang tab na Naka-star.

Dalawang beses sa isang buwan nagdaragdag ng mga bagong release sa Audio Library.

Maghanap ng mga sound effect

Sa tab na Mga sound effect, gamitin ang mga filter  at search bar para maghanap ng mga sound effect para sa iyong mga video. 

Para maghanap ng isang partikular na sound effect, maglagay ng pamagat ng track o keyword sa search bar. Puwede ka ring mag-filter ng mga sound effect ayon sa kategorya at tagal (haba sa segundo). 

Mag-play at mag-download ng audio

Para subukan ang isang track, i-click ang I-play . Kung nagustuhan mo ang iyong narinig, mag-hover sa petsa at i-click ang I-DOWNLOAD para makakuha ng MP3 file.

Patuloy na magpe-play ang track habang nagba-browse ka sa Audio Library. Gamit ang mga kontrol sa audio player, puwede kang mag-pause, mag-seek, at i-play ang nakaraan o susunod na track.

Magbigay ng attribution

Kung gumagamit ka ng track na may Creative Commons  license, dapat mong bigyan ng credit ang artist sa paglalarawan ng iyong video. Paga makabuo ng impormasyon sa attribution puwede mong gamitin ang:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Audio Library.
  3. Hanapin ang track na gusto mong gamitin.
    • Tandaan: Para i-browse ang lahat ng musikang may Creative Commons license, i-click ang bar ng filter > Kinakailangan ang attribution.
  4. Sa column na Uri ng lisensya, i-click ang icon na Creative Commons
  5. Sa pop-up na window, i-click ang Kopyahin  para kopyahin ang text ng attribution. Puwede mo nang i-paste ang impormasyong ito sa paglalarawan ng iyong video.

Kung gusto mong maghanap ng musikang may karaniwang lisensya sa YouTube Audio Library na hindi nangangailangan ng attribution, i-click ang bar ng filter  > Hindi kinakailangan ang attribution.

Tandaan: Kung gumagamit ang iyong video ng anumang musika mula sa YouTube Audio Library, may lalabas na seksyong “Musika sa Video na ito” sa page sa panonood ng video mo. Tandaang kung gumagamit ang iyong video ng musikang may Creative Commons license, kinakailangan pa rin ang impormasyon ng attribution sa paglalarawan ng video mo.

I-monetize ang iyong video

Kung nasa YouTube Partner Program ka, puwede kang mag-monetize ng mga video na may musika at mga sound effect mula sa Audio Library.

Hindi make-claim ng may-ari ng mga karapatan ang musika at mga sound effect na walang copyright na na-download mula sa Audio Library sa pamamagitan ng system ng Content ID.

Tandaan:

  • Ang musika at mga sound effect lang na mula sa Audio Library ang alam ng YouTube na may pahintulot na magamit.
  • Walang responsibilidad ang YouTube sa mga isyung idudulot ng musika at mga sound effect na “royalty-free” mula sa mga channel sa YouTube o iba pang music library.
  • Hindi makakapagbigay ng legal na gabay ang YouTube, kabilang ang gabay tungkol sa mga isyu sa musika na puwedeng mangyari sa labas ng platform.
  • Kung may mga tanong ka tungkol sa iyong paggamit ng musika, puwede kang kumonsulta sa isang kwalipikadong abugado.

 Matuto pa tungkol sa kung anong uri ng content ang puwede mong i-monetize.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2634828825823354541
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false