Paano inilalapat ang mga patakaran

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube Studio.
Nag-uugnay ang YouTube ng patakaran sa isang video kapag na-claim ang video. Nakadepende ang patakarang ilalapat ng YouTube sa video sa mga sumusunod:
  • Kung paano ginawa ang claim (ginawa mo o ng Content ID)
  • Kung may sinupamang partner na nag-claim din sa parehong video

Mga claim na ginawa mo

Kapag nag-claim ka ng video na na-upload mo sa isang channel na pagmamay-ari mo, malalapat ang patakarang nakatakda bilang iyong default na patakaran sa pag-upload. Matuto pa tungkol sa mga default na patakaran.

Kapag nag-claim ka ng video gamit ang mapaglarawang paghahanap, manual mong pipiliin kung aling patakaran ang iuugnay sa claim.

Mga claim na ginawa ng Content ID

Kapag nag-claim ang Content ID ng video na na-upload ng user, awtomatiko nitong ginagamit ang patakaran sa pagtugma ng reference para sa asset ng gumagawa ng claim.

Kung walang nauugnay na patakaran sa pagtugma ang asset, malalapat ang patakarang nakatakda bilang iyong default na patakaran sa pagtugma.

Puwede mong baguhin ang patakarang nauugnay sa isang na-claim na video sa page na Mga Na-claim na Video  ng Content Manager ng Studio. Mababago rin ito mula sa page na Mga Isyu  kapag nagsusuri ka ng mga isyu sa claim.

Mga claim na ginawa ng maraming partner

Sa parehong video

Mahigit isang partner ang puwedeng magkaroon ng valid na claim sa parehong video sa parehong teritoryo. Halimbawa, puwedeng i-claim ng isang partner ang visual na bahagi at ang isa naman ay ang audio na bahagi.

Kapag maraming partner ang may mga valid na claim sa isang video, at maraming nagiging valid na patakaran dahil dito, ilalapat ang alinmang patakarang magreresulta sa pinakamahigpit na pagkilos.

Pinakamaluwag   Pinakamahigpit
Walang patakaran I-monetize I-track I-block Tanggalin
 
Halimbawa, kung sinasabi ng isang patakaran na i-monetize ang video at sinasabi ng isa pang patakaran na i-block ito, iba-block ang video.

Tandaan: Kung may nawawalang impormasyon ng pagmamay-ari ang isa sa mga asset na nagke-claim ng video, ang default na pagkilos ayon sa patakaran ay I-track (nawawala ang may-ari).

  • Halimbawa: kung walang data ng pagmamay-ari ang asset para sa Canada, maglalapat ang YouTube ng patakarang I-track (nawawala ang may-ari) sa Canada sa mga video na na-claim laban sa asset.
  • Dahil ang pinakamahigpit na patakaran ang malalapat, mangingibabaw ang patakarang I-track na ito kaysa sa anumang patakarang I-monetize mula sa iba pang mga claim sa mga video.

Sa parehong asset

Kung magkaibang partner ang nagmamay-ari ng parehong asset samagkaibang teritoryo, ilalapat ang patakaran ng partner na nagmamay-ari sa asset sa bansang iyon.

Kapag magkaibang partner ang nagmamay-ari ng parehong asset sa parehong teritoryo, ilalapat ang patakaran ng partner na magreresulta sa pinakamahigpit na pagkilos. Kung pareho ang patakaran ng dalawang partner, magdedepende ang malalapat na patakaran sa kung music o non music asset ito:

Mga Halimbawa

Nagbibigay ang mga talahanayan sa ibaba ng mga halimbawang sitwasyon kung paano inilalapat ang mga patakaran sa mga video na na-upload ng user na tumutugma sa asset na may nakabahaging pagmamay-ari.

Pagmamay-ari sa magkaibang teritoryo + magkaibang patakaran:

  Partner A Partner B
May pagmamay-ari sa: United States, Canada, Mexico United Kingdom
Nakatakda ang patakaran sa pagtugma bilang: I-block ang content I-monetize ang content
Anong patakaran ang ilalapat:
  • Ayon sa patakaran ng partner A, bina-block sa United States, Canada, at Mexico ang mga video na na-upload ng user na tumutugma sa asset na ito.
  • Ayon sa patakaran ng Partner B, ipinapalabas nang may mga ad sa United Kingdom (UK) ang mga video na na-upload ng user na tumutugma sa asset.
  • Makukuha ng Partner B ang kita mula sa mga panonood sa UK.
  • Walang malalapat na patakaran sa iba pang bahagi ng mundo.

Pagmamay-ari sa magkaibang teritoryo + parehong patakaran:

  Partner A Partner B
May pagmamay-ari sa: United States, Canada, Mexico United Kingdom
Nakatakda ang patakaran sa pagtugma bilang: I-block ang content sa United States; I-monetize ang content sa Canada at Mexico I-monetize ang content
Anong patakaran ang ilalapat:
  • Ayon sa patakaran ng partner A, bina-block sa United States, at ipinapalabas nang may mga ad sa Canada at Mexico ang mga video na na-upload ng user na tumutugma sa asset na ito. Makukuha ng Partner A ang kita mula sa mga panonood sa Canada at Mexico.
  • Ayon sa patakaran ng partner B, ipinapalabas nang may mga ad sa United Kingdom (UK) ang mga video na na-upload ng user na tumutugma sa asset na ito. Makukuha ng Partner B ang kita mula sa mga panonood sa UK.
  • Walang malalapat na patakaran sa iba pang bahagi ng mundo.

Pagmamay-ari sa parehong teritoryo + magkaibang patakaran:

  Partner A Partner B
May pagmamay-ari sa: United States, Canada, Mexico United States
Nakatakda ang patakaran sa pagtugma bilang: I-block ang content sa United States; I-monetize ang content sa Canada at Mexico I-track ang content
Anong patakaran ang ilalapat:
  • Malalapat ang patakaran ng partner A dahil magreresulta ito sa mas mahigpit na pagkilos (I-block). Iba-block sa United States ang mga video na na-upload ng user na tumutugma sa asset na ito.
  • Walang malalapat na patakaran sa iba pang bahagi ng mundo.

Pagmamay-ari sa parehong teritoryo + parehong patakaran:

  Partner A Partner B
May pagmamay-ari sa: United States United States
Nakatakda ang patakaran sa pagtugma bilang: I-monetize ang content I-monetize ang content
Anong patakaran ang ilalapat:
  • Para sa mga music asset: Hiwalay na iho-hold ang kita, at kapag naresolba na ang hindi pagkakaunawaan, ibibigay ang kita sa naaangkop na partido.
  • Para sa mga non-music asset: Malalapat ang patakaran sa pag-track para sa parehong partner. Hindi malalapat ang patakaran sa pag-monetize hanggang sa malutas ang salungatan sa pagmamay-ari.
  • Walang malalapat na patakaran sa iba pang bahagi ng mundo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15508722766151583444
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false