Mga isyu sa copyright sa mga live stream

Sina-scan ang lahat ng live stream kung may mga tugma sa third-party na content, kabilang ang naka-copyright na content na nasa anyo ng ibang live broadcast.

Kapag may natukoy na third-party na content, posibleng mapalitan ng larawan na placeholder ang iyong live stream. Bibigyan ka ng babalang itigil ang pag-stream ng third-party content. Kung susunod ka sa babalang ito at tutugunan mo ang mga isyu, puwedeng magpatuloy ang iyong stream.

Kung mananatili sa iyong stream ang third-party na content, pansamantalang maaantala o mawawakasan ang live stream mo. Puwede ring mawakasan ang iyong stream kung makakakuha ka ng paglabag sa copyright o strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad.

I-restore ang access sa live streaming

Kung hihinto ang iyong live stream, tingnan ang dashboard ng YouTube Studio mo para sa mga strike. Kung aayusin mo ang mga isyung nakalista, puwedeng ma-restore ang iyong access sa live streaming. Matuto pa tungkol sa paglutas sa mga paghihigpit sa live streaming.

May lisensyang third-party na content sa live stream

Kung naglisensya ka ng third-party na content na gagamitin sa iyong stream, hilingin sa may-ari ng content na idagdag ang channel mo sa kanyang allowlist sa pamamagitan ng Content ID.

Kung hindi nakadagdag ang iyong channel sa kanyang allowlist, puwedeng maantala ang live stream mo kahit na naglisensya ka ng third-party na content. Puwede rin itong maantala kung lilimitahan mo ang iyong stream sa mga teritoryo kung saan pagmamay-ari mo ang lahat ng kinakailangang karapatan sa content.

Mga claim sa Content ID sa mga naka-archive na live stream

Ginagawa lang ang mga claim sa Content ID pagkatapos mong makumpleto ang iyong live stream, kung magpapasya kang i-archive ang video. Matuto pa tungkol sa mga claim sa Content ID.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?