I-clear ang cache at cookies

Kapag gumagamit ka ng browser, tulad ng Chrome, nagse-save ito ng ilang impormasyon mula sa mga website sa cache at cookies nito. Kapag na-clear ang mga iyon, maaayos ang ilang partikular na problema tulad ng mga isyu sa pag-load o pag-format sa mga site.

Sa Chrome

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-clear ang data mula sa pag-browse.
  3. Pumili ng saklaw ng panahon, tulad ng Nakaraang oras o Lahat ng oras.
  4. Piliin ang mga uri ng impormasyong gusto mong alisin.
  5. I-click ang I-clear ang data.

Alamin kung paano magbago ng higit pang setting ng cookie sa Chrome. Halimbawa, puwede kang mag-delete ng cookies para sa isang partikular na site.

Sa iba pang browser

Kung gumagamit ka ng Safari, Firefox, o ibang browser, suriin ang site ng suporta nito para sa mga tagubilin.

Ano ang mangyayari pagkatapos mong i-clear ang impormasyong ito

Pagkatapos mong i-clear ang cache at cookies:

  • Made-delete ang ilang setting sa mga site. Halimbawa, kung naka-sign in ka, kakailanganin mong mag-sign in ulit.
  • Kung io-on mo ang pag-sync sa Chrome, mananatili kang naka-sign in sa Google Account kung saan ka nagsi-sync para ma-delete ang iyong data sa lahat ng device mo.
  • Posibleng magmukhang mas mabagal ang ilang site dahil kakailanganing mag-load ulit ng content, tulad ng mga larawan.

Paano gumagana ang cache at cookies

  • Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga site na binibisita mo. Mas pinapadali nito ang iyong online na karanasan sa pamamagitan ng pag-save ng data mula sa pag-browse.
  • Tinatandaan ng cache ang mga bahagi ng mga page, tulad ng mga larawan, para makatulong na mabuksan ang mga iyon nang mas mabilis sa susunod mong pagbisita.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16275899814862662187
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false