Puwede mong i-verify ang iyong edad sa Google Account mo gamit ang mga hakbang na ito:
Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.
- Mag-sign in sa page ng privacy ng Google Account mo.
- I-click ang Personal na impormasyon.
- I-click ang Kaarawan.
- I-verify o i-update kung kinakailangan.
- I-click ang I-save.
Kung gumagamit ka ng m.youtube.com, posibleng kailanganin mong mag-sign out at mag-sign in ulit pagkatapos mong i-verify ang iyong edad. Matuto pa tungkol sa mga requirement sa edad sa mga account ng Google.