Mga kinakailangan sa instant caption

Tumutukoy ang mga closed caption sa visual na display ng audio sa isang programa. Para magdagdag ng mga caption sa iyong live stream, kailangan mong magpadala ng mga caption sa YouTube. Ang mga caption ay puwedeng naka-embed sa video o ipadala sa pamamagitan ng sinusuportahang software na nakakapagpadala ng mga caption sa pamamagitan ng mga HTTP POST.

Para sa mga live na event na ipinapalabas sa telebisyon sa US na may mga caption, posibleng kailanganin din ang mga caption online. Puwede mong suriin dito ang impormasyon ng FCC tungkol dito: http://www.fcc.gov/guides/captioning-internet-video-programming

Gawin ang iyong Event gaya ng karaniwan mong ginagawa. Ginagamit mo dapat ang platform ng YouTube Live.

Pagpapadala ng Mga Naka-embed na 608/708 na Closed Caption

  1. Gumawa ng live stream sa pamamagitan ng pagpunta sa youtube.com/livestreaming/stream
  2. Sa itaas, i-click ang Mag-stream.
  3. Maglagay ng pamagat at paglalarawan, pagkatapos ay i-click ang Gumawa ng Stream.
  4. I-click ang Mga Setting.
  5. I-click ang I-set up.
  6. I-on ang Mga closed caption.
  7. Sa drop down na menu, piliin ang Naka-embed na 608/708.
  8. I-click ang I-save.
  9. Sa mga setting ng iyong encoder piliin ang mga EIA 608/CEA 708 na caption, na tinatawag minsan na mga “naka-embed” na caption. Depende sa iyong setup, maaari itong magbasa ng mga caption mula sa isang partikular na format ng file o maaari nitong i-encode ang mga ito nang real time. Bagama't sinusuportahan ng pamantayang 608/708 ang hanggang 4 na track ng wika, isang track lang ng mga caption ang kasalukuyang sinusuportahan ng YouTube.

Sinusuportahang Software

Total Eclipse

  • Kakailanganin mo ang Eclipse/AccuCap 6.0.0.5 o mas bago para magamit ang feature na ito. Makipag-ugnayan sa tech support (support@eclipsecat.com o 1-800-800-1759) para sa mga tagubilin sa pag-install at paggamit.

Case CATalyst

  • Kakailanganin mo ang bersyon ng Case CATalyst BCS na 14.52 o mas bago para magamit ang feature na ito. Makipag-ugnayan sa tech support (1-800-323-4247 o 630-532-5100) para sa mga tagubilin sa pag-install at paggamit.

Caption Maker

  • Kakailanganin mo ang bersyon ng CaptionMaker na 5.22 o mas bago para magamit ang feature na ito. Makipag-ugnayan sa tech support para sa mga tagubilin sa pag-install at paggamit.

StreamText.Net

  • Cloud-based na system ng paghahatid ng caption na compatible sa lahat ng speech to text platform. Makipag-ugnayan sa support@streamtext.net para sa mga tagubilin.

Mga Kinakailangan sa Instant Caption para sa Mga Event

Pagpapadala ng Mga Naka-embed na 608/708 na Closed Caption para sa Live Stream
  1. Sa ibaba ng tab na I-set up sa Mga Setting, mayroong seksyong Closed Caption. Piliin ang item na Naka-embed na 608/708 sa dropdown na menu.
  2. Pindutin ang I-save.
  3. Sa mga setting ng iyong encoder piliin ang mga EIA 608/CEA 708 na caption, na tinatawag minsan na mga “naka-embed” na caption. Depende sa iyong setup, maaari itong magbasa ng mga caption mula sa isang partikular na format ng file o maaari nitong i-encode ang mga ito nang real time. Bagama't sinusuportahan ng pamantayang 608/708 ang hanggang 4 na track ng wika, isang track lang ng mga caption ang kasalukuyang sinusuportahan ng YouTube.
Pag-on ng Mga Closed Caption para sa Mga Event

(Kinakailangang gumamit ng isa sa aming mga sinusuportahang software na nakalista sa ibaba)

  1. Pagkatapos gawin ang event, tiyaking magdagdag ng 30s o 60s na pagkaantala ng broadcast sa tab na Mga advanced na setting.
  2. Sa ibaba ng tab na I-set up sa Mga Setting, mayroong seksyong Closed Caption. I-on ang Mga closed caption.
  3. Para kopyahin ang URL sa Pag-ingest ng Mga Caption, mag-click sa box ng URL sa Pag-ingest ng Mga Caption. Isa itong naka-sign na HTTP URL.
    Puwede lang magkaroon ng isang feed ng caption ang bawat entry point ng stream.
  4. Ibigay ang URL na ito sa iyong captioner para mailagay ito sa kanyang software sa pag-caption na sinusuportahan ng YouTube.
  5. Pindutin ang I-save.
Para sa pinakamagagandang resulta, tiyaking tumpak ang orasan ng iyong system. I-off din ang anumang anti-virus software na posibleng humahadlang sa iyong software sa pag-caption.

Sinusuportahang Software

  • Total Eclipse
    • Kakailanganin mo ang Eclipse/AccuCap 6.0.0.5 o mas bago para magamit ang feature na ito.
    • Makipag-ugnayan sa tech support (support@eclipsecat.com o 1-800-800-1759) para sa mga tagubilin sa pag-install at paggamit.
  • Case CATalyst
    • Kakailanganin mo ang bersyon ng Case CATalyst BCS na 14.52 o mas bago para magamit ang feature na ito.
    • Makipag-ugnayan sa tech support (1-800-323-4247 o 630-532-5100) para sa mga tagubilin sa pag-install at paggamit.
  • Caption Maker
    • Kakailanganin mo ang bersyon ng CaptionMaker na 5.22 o mas bago para magamit ang feature na ito.
    • Makipag-ugnayan sa tech support para sa mga tagubilin sa pag-install at paggamit.
  • StreamText.Net
    • Cloud-based na system ng paghahatid ng caption na compatible sa lahat ng speech to text platform.
    • Makipag-ugnayan sa support@streamtext.net para sa mga tagubilin.

Kung vendor ka ng mga closed na caption at gusto mong matuto pa tungkol sa mga closed na caption ng YouTube sa pamamagitan ng HTTP, punan ang form na ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7273471496586181434
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false