I-validate ang metadata

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube para pamahalaan ang kanilang naka-copyright na content.

Tiyaking i-validate ang iyong DDEX file o spreadsheet bago ito i-upload. Ifa-flag ang anumang isyu sa iyong CSV o DDEX file habang isinasagawa ang prosesong ito at posibleng maiwasan ang mga problema sa pag-upload dahil dito. Partikular na makakatulong ang hakbang na ito para sa pag-verify sa output ng anumang naka-automate na proseso o custom na code na gagawa ng CSV o DDEX file.

Para i-validate ang metadata file:

  1. I-click ang button na I-validate at I-upload na lalabas sa ilalim ng DELIVERY NG CONTENT sa menu sa kaliwang bahagi ng YouTube Studio.
  2. Para mag-validate, i-click ang PILIIN ANG MGA FILE at pilin ang iva-validate na file.  Puwede mo ring i-click at i-drag ang mga file mula sa iyong computer papunta sa window ng browser mo.

    Ang listahan ng mga file ay dapat may kasamang isang valid na metadata file, na spreadsheet o DDEX file. Kapag naidagdag na ang mga ito, awtomatikong sisimulan ng metadata file ang proseso ng pag-validate (may lalabas na icon na umiikot.)
     
  3. Suriin ang mga error (kung mayroon man) sa pamamagitan ng pag-click sa button sa tabi ng pulang icon.

    I-edit ang metadata sa orihinal na file. Kapag tapos na, idagdag ulit ang file sa page na Uploader. Kung hindi nabago ang filename, gagamitin ng YouTube ang mas bagong bersyon ng file at ire-restart ang proseso ng pag-validate.
    • Kung nag-a-udpate lang ng data ang iyong file — ibig sabihin, kung wala itong kasamang anumang audio o video file — puwede mong i-click ang Iproseso ang package para isumite ang package para sa pagpoproseso.
    • Kung kailangan ng iyong package ng mga audio o video file at handa ka nang mag-upload, idagdag ang mga karagdagang file na ito sa package at hintaying makumpleto ang pag-validate.  I-click ang Iproseso ang package para isumite ang package para sa pagpoproseso.
    • Kung nagva-validate ka lang ng metadata file at hindi ka pa handang mag-upload, puwede mong i-discard ang package sa pamamagitan ng pag-click sa button na I-delete ang draft .

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8916925336283649136
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false