Mag-sign in sa YouTube app para magamit ang mga feature na tulad ng panonood ng may bayad na content, pag-subscribe sa mga channel, at pagtingin sa iyong Library.
Kapag naka-sign in ka na, puwede mo nang alamin ang pasikot-sikot sa YouTube app sa iyong smart TV o game console. Puwede mo ring ikonekta ang iyong device sa smart TV mo at gamitin ang iyong telepono o tablet bilang remote.
- Alamin kung paano mag-sign out o mag-alis ng account sa YouTube app sa iyong smart TV o game console.
- Kung isa kang miyembro ng YouTube TV na gustong makapanood ng YouTube TV sa iyong telebisyon, tingnan ang Help Center ng YouTube TV para sa higit pang impormasyon.
Paano Mag-sign In sa YouTube sa Iyong TV
Simulan ang proseso ng pag-sign in sa iyong smart TV o game console
- Para magsimula, buksan ang YouTube app sa iyong TV o game console. Kung hindi pa ito naka-install, i-download ang YouTube app mula sa app store ng iyong TV o console.
- Pumunta sa navigation sa kaliwang bahagi.
- Piliin ang Mag-sign in .
Puwede kang mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong telepono, TV, o web browser.
Ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in gamit ang iyong telepono
- Tiyaking nasa iisang Wi-Fi network ang iyong TV at mobile device.
- Piliin ang Mag-sign in gamit ang iyong telepono.
- Sa iyong telepono, buksan ang YouTube app.
- Sundin ang mga tagubilin para mag-sign in sa iyong TV.
Ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in sa iyong TV
- Piliin ang Mag-sign in sa iyong TV.
- Gamitin ang keyboard para ilagay ang iyong email o numero ng telepono para sa Google Account mo.
- I-click ang Susunod.
- Gamitin ang keyboard para ilagay ang password para sa iyong Google Account.
- I-verify ang iyong account.
Ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in gamit ang web browser
- Piliin ang Mag-sign in gamit ang isang web browser.
- May lalabas na code sa iyong TV.
- Sa iyong telepono, tablet, o computer, magbukas ng browser at pumunta sa youtube.com/tv/activate.
- Ilagay ang code na ipinapakita sa iyong TV.
- Mag-sign in sa iyong account.
Gumamit ng iba't ibang account sa iyong Smart TV o game console
Sa YouTube app sa iyong smart TV o game console, puwede kang mag-sign in sa iba't ibang account at walang kahirap-hirap na magpalipat-lipat sa mga account na ito. Puwedeng magdagdag ang mga miyembro ng iyong sambahayan ng sarili nilang mga account, at puwedeng gamitin ng mga bisita ang YouTube habang naka-sign out (guest mode). Binibigyang-daan ng guest mode ang iba na gamitin ang YouTube sa iyong TV o game console habang naka-sign out. Hindi maaapektuhan ng anumang pagkilos na ginawa habang naka-sign out sa guest mode ang mga rekomendasyon sa iyong account.
Magdagdag ng isa pang Google Account sa iyong smart TV o game console
Para magdagdag ng isa pang account sa YouTube app sa iyong smart TV o game console:
- Buksan ang YouTube app sa iyong TV o game console.
- Kung bubukas ang app nang tinatanong ka kung “Sino'ng Nanonood?” piliin ang naaangkop na opsyon:
- Bisita: Nagbibigay-daan sa iyong magamit ang YouTube nang naka-sign out.
- YouTube Kids: Nagbibigay-daan sa iyong anak na gamitin ang YouTube Kids habang naka-sign out. Lalabas lang ang opsyong ito kung nag-set up ka ng profile ng bisita sa YouTube Kids.
- Magdagdag ng account: Nagbibigay-daan sa iyong mag-sign in sa account mo.
- Magdagdag ng profile sa YouTube Kids: Nagbibigay-daan sa iyong mag-sign in sa isang profile sa YouTube Kids.
- Kung bubukas ang app nang naka-sign in sa isang account:
- Pumunta sa navigation sa kaliwang bahagi.
- Sa itaas, piliin ang iyong larawan sa profile.
- Sa tab na Mga Account, piliin ang naaangkop na opsyon:
- Bisita: Nagbibigay-daan sa iyong magamit ang YouTube nang naka-sign out.
- Magdagdag ng account: Nagbibigay-daan sa iba pang miyembro ng iyong sambahayan na idagdag ang kanilang account. Puwede kang mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong TV o personal na device.
- Mag-set up ng YouTube Kids: Nagbibigay-daan sa iyong mag-set up ng profile ng bisita sa YouTube Kids na puwedeng gamitin ng anak mo habang naka-sign out.
Magpalipat-lipat ng naka-sign in na Google Account sa iyong smart TV o game console
Madali kang makakapagpalipat-lipat ng naka-sign in na account sa iyong smart TV o game console.
Para magpalipat-lipat ng naka-sign in na account sa YouTube app sa iyong smart TV o game console:
- Buksan ang YouTube app sa iyong TV o game console.
- Kung bumukas ang app na:
- Tinatanong ka kung “Sino'ng Nanonood?”:
- Piliin ang account na gusto mong gamitin para sa YouTube.
- Naka-sign in na sa isang account:
- Pumunta sa navigation sa kaliwang bahagi.
- Sa itaas, piliin ang larawan sa profile.
- Sa tab na Mga Account, piliin ang account na gusto mong gamitin para sa YouTube.
- Tinatanong ka kung “Sino'ng Nanonood?”:
Mag-troubleshoot ng mga isyu sa pag-sign in sa iyong smart TV o game console
Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign in sa YouTube gamit ang iyong Google Account, puwede kang humingi ng tulong sa pag-sign in.
Hindi sinusuportahan ang pag-sign in nang direkta sa YouTube sa mga mas lumang Chromecast device. Puwede mong kontrolin ang iyong session ng pag-cast mula sa telepono mo gamit ang account kung saan ka naka-sign in sa iyong telepono. Gamit ang isang remote control, puwede mong gamitin ang YouTube app nang naka-sign out.
Para makipag-ugnayan sa mga video (tulad ng pag-like ng mga video o pag-subscribe sa mga creator), patuloy na gamitin ang iyong mobile device.