Mga mensahe ng error sa live streaming

Sinusuri ng Live na Dashboard at Live Control Room kung may mga error sa stream na ipinapadala mo sa YouTube. Ipinapakita ang mga mensahe sa tabi ng Indicator ng Kalagayan sa itaas ng Live Control Room.

May timestamp sa tabi ng bawat error na nagsasaad kung kailan ito nakita. Kung hindi maaayos ang error, patuloy itong magpa-pop up. Ang mga pulang error ay kritikal at puwedeng makaabala sa pagsisimula ng iyong event o magdulot ng mga problema sa mga user. Ang mga dilaw na error ay katamtaman at puwedeng makapagpababa sa kalidad ng iyong event.

Nasa ibaba ang kumpletong listahan ng mga error:

Naabot na ang pang-araw-araw na limitasyon sa live stream:

Para makatulong na mas maging ligtas ang YouTube para sa lahat, nililimitahan namin ang bilang ng mga live stream na puwedeng gawin ng isang channel sa loob ng 24 na oras. Para madagdagan ang iyong pang-araw-araw na limitasyon, tingnan ang artikulong ito.

Maling format ng stream

Hindi nakatakda sa H.264 video at AAC audio ang iyong encoder. Itakda ito sa H.264 video at AAC audio para maayos na ma-ingest ang stream.

  • Pakibago ang format ng container para sa video. Hindi tama para sa configuration na ito ang kasalukuyang format ng container.
  • Naka-encode ang audio stream gamit ang isang hindi suportadong codec. Pakitakda sa isang suportadong codec (AAC, MP3) ang audio codec para sa stream.
  • Pakitakda sa H.264 ang video codec para sa stream. Naka-encode ang video gamit ang maling codec.
  • Pakiwasto ang profile ng video codec para sa stream. Naka-encode ang video gamit ang maling profile ng codec.

Mga maling bitrate

Kung hindi ka gumagamit ng variable resolution na entrypoint, dapat mong gamitin ang eksaktong bitrate para sa resolution na pinili mo sa page na Mga Setting ng Pag-ingest. Kung wala kang sapat na bandwidth para sa resolution na pinili mo, pag-isipang babaan ang iyong napiling resolution. Nakalista sa mga setting ng encoder ang mga tamang bitrate para sa bawat resolution. Iwasto ang mga mensahe ng error para matiyak na maayos na nata-transcode at naihahatid ang iyong video.

  • Inirerekomenda naming gumamit ka ng value ng bitrate ng audio stream na 128Kbps. Mas mataas sa inirerekomendang bitrate ang kasalukuyang bitrate para sa audio stream.
  • Inirerekomenda naming gumamit ka ng value ng bitrate ng audio stream na 128Kbps. Mas mababa sa inirerekomendang bitrate ang kasalukuyang bitrate para sa audio stream.
  • Pakiwasto ang sample rate para sa audio sa stream at gawin itong 44.1KHz. Mali ang kasalukuyang sample rate.
  • Inirerekomenda naming gumamit ka ng value ng bitrate ng stream na X. Mas mataas sa inirerekomendang bitrate ang kasalukuyang value ng bitrate para sa stream.
  • Inirerekomenda naming gumamit ka ng value ng bitrate ng stream na X. Mas mababa sa inirerekomendang bitrate ang kasalukuyang value ng bitrate para sa stream.

Mga maling setting ng audio

Mali ang mga ipinapadalang setting ng audio ng iyong encoder. Iwasto ang mga mensahe ng error para matiyak na maayos na naihahatid ang iyong audio.

  • Magbigay ng isang audio stream. Walang audio stream ang stream ng pag-ingest.
    • Walang ipinapadalang audio ang iyong encoder. May checkbox sa ilang encoder para i-on ang audio. Kinakailangan ng pipeline ng YouTube na may audio sa lahat ng video.
  • Magbigay lang ng iisang audio stream. Naglalaman ng maraming audio stream ang stream ng pag-ingest.
    • Magdudulot ng mga problema sa pag-ingest ang maraming audio stream.
  • Pakiwasto ang bilang ng mga channel ng audio. May mahigit 2 channel ang audio. 1 (mono) o 2 (stereo) lang ang sinusuportahan.

Mga maling setting ng video

Mali ang mga ipinapadalang setting ng video ng iyong encoder. Iwasto ang mga mensahe ng error para matiyak na maayos na naihahatid ang iyong video.

  • Magbigay ng isang video stream. Walang video stream ang stream ng pag-ingest.
  • Magbigay lang ng iisang video stream. Naglalaman ng maraming video stream ang stream ng pag-ingest.
  • Naka-interlace ang kasalukuyang video, pero hindi sinusuportahan ang naka-interlace na video.
  • Tiyaking progressive ang iyong video. Kung hindi, makakakita ka ng mga artifact sa video na magkakaroon ng matinding epekto sa kalidad.
  • Masyadong mataas ang kasalukuyang frame rate.  Pakitakda sa X fps o mas mababa ang frame rate. 
    • Tandaang magkaugnay ang iyong frame rate at dalas ng pagpapadala ng keyframe. Kung babaguhin mo ang iyong frame rate, kakailanganin mo ring baguhin ang dalas ng pagpapadala ng keyframe mo para makapaghatid ng mga keyframe kada 2 segundo.
  • Maling dalas ng pagpapadala ng keyframe ng video

    Masyadong madalas o kulang ang dalas ng pagpapadala ng mga keyframe ng iyong encoder. Baguhin ito para makapagpadala ng mga keyframe kada 2 segundo. Kapag nasa 30fps, nagpapadala sa bawat 60 frame.

    • Gumamit ng dalas ng pagpapadala ng keyframe na apat na segundo o mas maikli pa. Kasalukuyang kulang ang dalas ng pagpapadala ng mga keyframe, at puwede itong magdulot ng pag-buffer. Kasalukuyang nagpapadala ng keyframe bawat X (na) segundo. Tandaang puwedeng magdulot ng mga maling laki ng GOP (group of pictures) ang mga error sa pag-ingest.
    • Maliit ang GOP (group of pictures), na posibleng magpababa sa kalidad ng larawan. Apat na segundo ang inirerekomendang dalas ng pagpapadala ng keyframe. Kasalukuyang nagpapadala ng keyframe bawat X (na) segundo. Tandaang posibleng magdulot ng mga maling laki ng GOP ang mga error sa pag-ingest.
      • Pinapayagan ka ng ilang encoder na gawing Nakabukas (variable) o Nakasara (nakapirmi) ang "GOP." Kinakailangan ng pipeline ng YouTube ang paggamit ng Nakasarang GOP para sa pinakamahusay na pag-transcode.

    Maling laki (resolution) ng video

    Pareho dapat ang taas at lapad ng iyong video sa resolution na pinili mo sa page na Mga Setting ng Pag-ingest. Nakalista sa mga setting ng encoder bilang "lapad x taas" ang mga tamang laki para sa bawat resolution.

    • Pakitingnan ang resolution ng video. Ang kasalukuyang resolution ay X, at hindi ito ang pinakaangkop.
    • Kailangan mong palitan ang resolution ng video. Ang kasalukuyang resolution ay X, at hindi ito sinusuportahan para sa configuration na ito. Ang inaasahang resolution ng video ay X.

    Hindi magkatugmang pangunahin at backup na stream

    Eksaktong magkapareho dapat ang mga setting ng iyong pangunahin at backup na stream para gumana nang maayos ang failover. Iwasto ang mga mensahe ng error para matiyak na magkatugma ang iyong pangunahin at backup na stream.

    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang resolution ng mga ito. Magkaiba ang resolution ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang video codec ng mga ito. Magkaiba ang video codec ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang pag-interlace ng mga ito. Magkaiba ang pag-interlace ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang profile ng mga ito. Magkaiba ang profile ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang bitrate ng mga ito. Magkaiba ang bitrate ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang framerate ng mga ito. Magkaiba ang framerate ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang dalas ng pagpapadala ng keyframe ng mga ito. Magkaiba ang dalas ng pagpapadala ng keyframe ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang rate ng audio sample ng mga ito. Magkaiba ang rate ng audio sample ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Sa kasalukuyang configuration, magkaiba ang ginagamit na channel ng audio ng pangunahin at backup na stream. Kailangan mong i-configure ang mga stream para maging magkapareho ang channel ng audio ng mga ito.
    • Paki-configure ang pangunahing stream at backup na stream ng video para maging magkapareho ang audio codec ng mga ito. Magkaiba ang audio codec ng mga stream sa kasalukuyang configuration.
    • Paki-configure nang wasto ang pangunahin at backup na stream. Hindi naisagawa ang paghahambing ng mga stream dahil may invalid na configuration ang isa sa mga stream.

    Nakatulong ba ito?

    Paano namin mapapaganda ito?
    Search
    I-clear ang paghahanap
    Isara ang paghahanap
    Pangunahing menu
    15226274252506294037
    true
    Maghanap sa Help Center
    true
    true
    true
    true
    true
    59
    false
    false