Simula Nobyembre 2026, isasama na sa mga bilang ng pampublikong panonood sa YouTube sa mga page sa panonood ng video ang mga co-view sa pamamagitan ng pagtatantya sa bilang ng mga indibidwal na manonood na magkakasamang nanonood sa mga TV screen.
Binibilang ang mga panonood sa sandaling magsimulang mag-play ang isang video sa lahat ng format, kasama ang mga Short, long-form video (VOD), at live stream.
Hindi makakaapekto ang update na ito sa iyong kita o pagiging kwalipikado sa YouTube Partner Program (YPP). Ibabatay pa rin ang kita sa YPP sa “mga engaged na panonood” at “engaged na tagal ng panonood.” Ibabatay pa rin ang pagiging kwalipikado sa YPP sa “mga kwalipikadong panonood.”
Ipinapakita ng mga sukatan ng engagement sa YouTube (mga panonood, like, dislike, at subscription) kung ilang beses may nakipag-interact sa iyong video o channel sa YouTube. Ang mga sukatang ito ay puwedeng maging mahalagang batayan ng pangkalahatang kasikatan ng iyong video o channel.
Gusto naming matiyak na may mataas na kalidad ang iyong mga sukatan at mula sa mga totoong tao ang mga ito at hindi sa mga computer program. Medyo matagal bago matukoy ng aming mga system kung aling mga panonood, like, dislike, at subscription ang lehitimo.
Pagbabago sa mga sukatan
Pagkatapos mabilang ang mga lehitimong event na engagement, mas madalas maa-update ang bilang ng iyong sukatan. Nag-iiba ang timing ng mga pagbabagong ito depende sa kasikatan at mga panonood ng isang video o channel. Tandaang tuluy-tuloy ang pagkumpirma at pag-adjust namin sa mga event na engagement.
Sa ilang video at channel, posibleng magmistulang nag-freeze ang bilang ng iyong sukatan o hindi ipakita ang mga sukatang inaasahan mo. Kinukumpirma ang mga sukatan sa algorithmic na paraan para makapagpanatili ng mga patas at positibong experience para sa mga content creator, advertiser, at manonood. Para ma-verify na tumpak ang mga sukatan, posibleng pansamantala naming pabagalin, i-freeze, o baguhin ang bilang ng iyong sukatan, at i-discard ang mga mababang kalidad na pag-playback.
Mga panonood ng may bayad na pag-advertise
Tandaang may 2 uri ng panonood na sinusukat sa Google Ads: mga TrueView na panonood, at mga pampublikong panonood sa YouTube. Puwedeng maningil sa mga TrueView na panonood, at hindi puwedeng maningil sa mga pampublikong panonood sa YouTube. Binibilang ang mga panonood ng may bayad na pag-advertise bilang mga TrueView na panonood dahil isinasaad ng mga ito na may manonood na nakipag-interact sa video. Sa partikular, naaangkop ang mga sumusunod na pamantayan sa mga TrueView na panonood, pero hindi sa mga pampublikong panonood sa YouTube:
- Mga nalalaktawang in-stream ad: Bibilangin ang mga panonood ng may bayad na pag-advertise bilang mga TrueView na panonood kapag:
- May nanood ng buong ad na 11–30 segundo ang haba.
- May nanood ng hindi bababa sa 30 segundo ng ad na higit sa 30 segundo ang haba.
- May nag-interact sa ad.
- Mga in-feed video ad: Bibilangin ang mga panonood ng may bayad na pag-advertise bilang mga TrueView na panonood kapag:
- May nag-click sa ad at nagsimulang mag-play ang video.
- May nanood ng hindi bababa sa 10 segundo ng ad na may habang mahigit 10 segundo.
- Mga ad sa Shorts: Bibilangin ang mga panonood ng may bayad na pag-advertise bilang mga TrueView na panonood kapag:
- May nag-click sa mga ad.
- May nanood ng hindi bababa sa 10 segundo ng ad.
Ang mga pampublikong panonood sa YouTube, na kumakatawan sa mga view ng ad na nagko-contribute sa bilang ng pag-view ng publiko, ay binibilang sa sandaling magsimulang mag-play ang isang video ad sa mga ad sa Shorts at in-stream ad. Isinasama ng sukatang ito ang mga pagtatantya sa co-viewing para sa mga manonood na magkakasamang nanonood sa mga TV screen.
Suriin ang mga panonood gamit ang YouTube Analytics
Kung tinitingnan mo ang isang na-upload mong video, mas masusubaybayan mo nang husto ang mga panonood sa iyo gamit ang YouTube Analytics. Tandaang mga pagtataya lang ng potensyal na aktibidad sa panonood ang ipinapakita ng Realtime na aktibidad. Posibleng hindi ito tumugma sa numerong makikita mo sa page sa panonood.