Depende kung naka-sign in o naka-sign out ang isang tao, puwedeng ma-load ang mga page sa YouTube sa pamamagitan ng secure o hindi secure na koneksyon. Nagkakaroon ng mga secure na koneksyon gamit ang SSL. Para maiwasan ang mga mensahe ng babala sa browser ng manonood, nire-require naming i-request ang mga ad, creative, at element ng pagsubaybay gamit ang isang naaangkop na koneksyon:
- Para sa mga hindi secure na page (HTTP://), puwedeng gumamit ang ad, creative, at mga pixel ng pagsubaybay ng HTTP o HTTPS.
- Para sa mga secure na page (HTTPS://), HTTPS lang ang dapat gamitin ng ad, creative, at mga pixel ng pagsubaybay. Para rin sa mga na-load na ad at creative gamit ang HTTPS://, dapat ding gumamit ng HTTPS:// ang lahat ng kasunod na request sa mga asset ng media o tracking URL. Dapat ay makapaghatid ang lahat ng creative sa pamamagitan ng HTTP at HTTPS nang hindi nangangailangan ng espesyal na pagtatrapiko. Kung ibinibigay ang mga URL ng pixel ng pagsubaybay, sumusunod dapat ang mga ito sa SSL (nagsisimula sa HTTPS://). Ang URL ng pag-click (target na landing page) lang ang bahagi ng ad na pinapayagang hindi sumunod sa SSL.
Higit pang detalye
Mga display ad na inihahatid ng 3rd party
Ino-autocorrect ng ilang vendor ang kanilang creative para makasunod sa SSL. Para sa mga vendor na ito, may maliit na pagbabago na kinakailangan sa iyong creative para makasunod sa SSL. Available ang listahan ng mga vendor at kanilang mga kakayahan dito.
Mga pixel ng pagsubaybay ng VAST
Para sa pagsubaybay sa mga VAST ad gaya ng inStream at inVideo, hihilingin namin ang anumang hindi secure na URL sa pamamagitan ng isang secure na koneksyon. Papalitan namin ng HTTPS:// ang HTTP:// bago hilingin ang URL para magawa ito. Kung hindi masusuportahan ng iyong vendor ng pagsubaybay ang functionality na ito, dapat ay sumusunod sa SSL ang ibibigay na tracking URL (nagsisimula sa HTTPS://). Available ang listahan ng mga vendor at kanilang mga kakayahan dito.
Mga VAST ad na inihahatid ng 3rd party
Sumusunod dapat sa SSL ang lahat ng 3rd party na VAST ad. Dapat gumamit ng naaangkop na koneksyon ang anumang URL na nasa tugon ng VAST.
- Para sa mga hindi secure na page (HTTP://), puwedeng gamitin ng creative at mga pixel ng pagsubaybay ang HTTP o HTTPS.
- Para sa mga secure na page (HTTPS://), HTTPS lang ang dapat gamitin ng creative at mga pixel ng pagsubaybay. Minsan, hindi ino-autocorrect ng vendor ang tugon ng ad sa tamang protocol o hindi pinapalitan ng HTTPS:// ang HTTP://. Sa mga ganitong sitwasyon, dapat gamitin ng lahat ng media at tracking URL sa VAST ad ang HTTPS:// bilang default.