Kung may claim sa Content ID ang iyong video, posibleng magkaroon ng mga paghihigpit sa kung saan mapapanood ang video o kung puwede itong i-monetize. Para alisin ang claim at ang mga nauugnay na paghihigpit, puwede mong i-edit ang na-claim na content nang hindi kinakailangang mag-upload ng bagong video.
Kung nagawa na, awtomatikong iki-clear ng alinman sa mga opsyong ito ang claim sa Content ID:
- I-trim ang segment: Puwedeng ang na-claim na segment lang sa iyong video ang i-edit mo.
- Palitan ang kanta: Kung na-claim ang audio sa iyong video, puwede mong mapalitan ang na-claim na audio ng iba pang audio mula sa YouTube Audio Library.
- I-mute ang kanta: Kung na-claim ang audio sa iyong video, magagawa mong i-mute ang na-claim na audio. Puwede mong piliing i-mute lang ang kanta o lahat ng audio ng video.
I-trim, palitan, o i-mute ang na-claim na content sa YouTube Studio
Para alisin ang na-claim na content sa isang video:
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content .
- I-click ang filter bar Copyright.
- Hanapin ang video na kinaiinteresan mo.
- Sa column na Mga Paghihigpit, mag-hover sa Copyright.
- I-click ang TINGNAN ANG MGA DETALYE.
- Sa ilalim ng seksyong Natukoy na content sa video na ito, hanapin ang nauugnay na claim at i-click ang PUMILI NG MGA PAGKILOS I-trim ang segment, Palitan ang kanta, o I-mute ang kanta.
I-trim ang segment
Nagbibigay-daan sa iyo ang opsyong ito na i-edit para alisin ang segment ng video mo na mayroong claim sa Content ID.
- (Opsyonal) I-edit ang oras ng pagsisimula at oras ng pagtatapos ng seksyong aalisin mo.
- Tandaang kung may ilang na-claim na content na mananatili sa iyong video, hindi aalisin ang claim.
- I-click ang MAGPATULOY I-TRIM.
Kapag na-trim na ang lahat ng na-claim na content, maaalis na ang claim sa Content ID sa iyong video.
Palitan ang kanta (mga claim sa audio lang)
Nagbibigay-daan sa iyo ang opsyong ito na palitan ang na-claim na audio ng iba pang audio mula sa YouTube Audio Library.
- Gamitin ang mga filter sa paghahanap para maghanap ng bagong audio track. I-click ang I-play para i-preview ang mga track.
- Kapag nakakita ka ng kantang gusto mo, i-click ang IDAGDAG. Lalabas ang kanta sa editor sa isang asul na kahon.
- I-click at i-drag ang kahon para baguhin kung kailan dapat magsimula ang kanta. Tandaang kung may ilang na-claim na audio na mananatili sa iyong video, hindi aalisin ang claim.
- I-drag ang mga gilid ng kahon para baguhin kung gaano katagal ipe-play ang kanta.
- Gamitin ang mga opsyon sa pag-zoom para sa mga mas tumpak na pag-edit.
- (Opsyonal) Magdagdag ng higit pang track.
- I-click ang I-SAVE PALITAN.
Kapag ganap nang napalitan ang lahat ng na-claim na audio, maaalis na ang claim sa Content ID sa iyong video.
I-mute ang kanta (mga claim sa audio lang)
Nagbibigay-daan sa iyo ang opsyong ito na i-mute ang na-claim na audio sa video mo. Puwede mong piliing i-mute lang ang kanta o lahat ng audio ng video.
- Piliin kung paano mo gustong mag-mute:
- I-mute ang lahat ng tunog kapag nagpe-play ang kanta
- Minu-mute ang lahat ng audio sa bahagi ng video na may na-claim na audio.
- Karaniwang mas mabilis ang opsyong ito at mas malamang na awtomatikong aalisin ang claim.
- I-mute lang ang kanta (beta)
- Minu-mute lang ang na-claim na kanta. Hindi mamu-mute ang iba pang audio, tulad ng dialog o mga sound effect.
- Karaniwang mas matagal ang pag-edit na ito at posibleng hindi ito gumana kung mahirap alisin ang kanta.
- I-mute ang lahat ng tunog kapag nagpe-play ang kanta
- (Opsyonal) I-edit ang oras ng pagsisimula at oras ng pagtatapos ng pag-mute ng audio.
- Tandaang kung may ilang na-claim na audio na mananatili sa iyong video, hindi aalisin ang claim.
- I-preview ang pag-edit sa video player.
- I-click ang MAGPATULOY I-MUTE. Magsisimula ang pagpoproseso sa pag-edit.
Kung puwedeng i-mute ang lahat ng na-claim na audio, aalisin ang claim sa Content ID sa iyong video.
Tandaan:
- Kapag nag-edit ka, puwedeng mag-iba-iba ang tagal ng pagpoproseso.
- Hindi ka puwedeng gumawa ng iba pang pag-edit habang ipinoproseso ang video, pero puwede mong isara ang window. Mananatili sa kasalukuyan nitong status ang video (bago ang mga pag-edit) hanggang sa matapos ang pagpoproseso.
- Kung mahigit 6 na oras ang haba ng iyong video, posibleng hindi ka makakapag-save ng mga pagbabago.
- Kung wala sa Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP) ang iyong channel, posibleng hindi ka makakapag-save ng mga pagbabago kung may mahigit 100,000 panonood ang video mo.
Tip: Kapag tapos na ang pagpoproseso, i-reload ang page para kumpirmahing nagawa na ang mga pag-edit at wala na ang claim.
I-mute ang na-claim na content sa YouTube Studio app
Para i-mute ang na-claim na content sa isang video:
- Mag-sign in sa YouTube Studio app.
- I-tap ang Content .
- Pumili ng video na may paghihigpit sa copyright at i-tap ang paghihigpit.
- Sa panel sa ibaba, i-tap ang SURIIN ANG MGA ISYU.
- I-tap ang nauugnay na claim.
- I-tap ang I-mute ang segment.
I-undo ang mga pag-edit
Para i-undo ang mga pag-edit na ginawa mo sa iyong video at i-revert sa orihinal na video:
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content .
- I-click ang thumbnail ng video na gusto mong i-edit.
- Mula sa kaliwang menu, i-click ang Editor .
- Piliin ang Mga Opsyon I-revert sa orihinal para alisin ang anumang pag-edit na ginawa mo sa iyong video.