Kung napatawan ka ng paglabag sa copyright, nangangahulugan itong nagsumite ang isang may-ari ng copyright ng legal na request sa pag-aalis dahil sa copyright dahil sa paggamit ng kanyang content na protektado ng copyright. Kapag may isinumite sa aming request sa pag-aalis dahil sa copyright, sinusuri namin ito. Kung valid ang request sa pag-aalis, kailangan naming alisin sa YouTube ang iyong video para sumunod sa batas sa copyright.
Puwede lang makatanggap ang isang video ng isang paglabag sa copyright sa bawat pagkakataon. Tandaang puwedeng alisin ang mga video sa site sa mga dahilan bukod pa sa copyright. Hindi rin nagreresulta sa strike ang mga claim sa Content ID.
Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube Studio.
Lahat tayo ay nagkakamali. Sa unang pagkakataong mapatawan ka ng paglabag sa copyright, kakailanganin mong kumpletuhin ang Copyright School. Tinutulungan ang mga creator sa Copyright School na maunawaan ang mga prinsipyo ng copyright at kung paano ipinapatupad ang mga ito sa YouTube. Binubuo ang Copyright School ng apat na maiikling multiple choice na tanong. Panoorin ang video na ito para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming Mga patakaran sa copyright.
Kung aalisin ang iyong aktibong live stream dahil sa copyright, paghihigpitan ang access mo sa live streaming sa loob ng 7 araw.
Kung mapapatawan ka ng 3 paglabag sa copyright:
- Wawakasan ang iyong account, pati na rin ang anumang nauugnay na channel.
- Aalisin ang lahat ng video na na-upload sa iyong account.
- Hindi ka makakagawa ng mga bagong channel.
Kung magsusumite ka ng mga counter notification na magiging dahilan para maging mas mababa sa 3 ang iyong mga strike, hindi idi-disable ang channel mo hangga't hindi pa nareresolba ang mga counter notification. Kung ifo-forward ang mga counter notification na ito sa naghahabol para sa copyright, ire-restore ang iyong kakayahang mag-upload.Kung mareresolba ang counter notification nang pabor sa iyo, o kung babawiin ang pag-aalis, hindi maaapektuhan ang channel mo.
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, i-click ang Content .
- I-click ang filter bar Copyright.
- Sa column na Mga Paghihigpit, mag-hover sa Copyright.
- I-click ang TINGNAN ANG MGA DETALYE.
May tatlong paraan para malutas ang isang paglabag sa copyright:
- Hintayin itong mag-expire: Nag-e-expire ang mga paglabag sa copyright pagkalipas ng 90 araw. Kung ito ang una mong paglabag, kakailanganin mong kumpletuhin ang Copyright School.
- Humiling ng pagbawi: Puwede kang makipag-ugnayan sa taong nag-claim ng iyong video at hilingin sa kanyang bawiin ang kanyang claim ng paglabag sa copyright.
- Magsumite ng counter notification: Kung sa palagay mo ay hindi dapat inalis ang iyong video, o kwalipikado ito bilang patas na paggamit, puwede kang magsumite ng counter notification.
Panoorin para matuto pa
Panoorin ang sumusunod na video mula sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para malaman ang mga pangunahing kaalaman sa mga paglabag sa copyright.
Copyright in YouTube Studio: Addressing Copyright Claims with New Tools, Filters and More