Patakaran sa mapoot na salita


 
Pangunahin naming priyoridad ang kaligtasan ng aming mga creator, manonood, at partner. Inaasahan naming tutulungan kami ng bawat isa sa inyo na panatilihin at protektahan ang natatangi at masiglang komunidad na ito. Mahalagang maunawaan mo ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad, at ang tungkuling ginagampanan ng mga ito sa ating pinaghahatiang responsibilidad na panatilihing ligtas ang YouTube. Maglaan ng oras para mabasa nang mabuti ang patakaran sa ibaba. Puwede mo ring tingnan ang page na ito para sa kumpletong listahan ng aming mga alituntunin.
Tandaan: Noong Hunyo 5, 2019, nag-anunsyo kami ng ilang pagbabago sa aming mga patakaran sa mapoot na salita. Puwede kang matuto pa tungkol sa mga pagbabagong iyon dito. Na-update na ang patakaran sa ibaba sa mga pagbabagong iyon.

Hindi pinapayagan sa YouTube ang mapoot na salita. Hindi namin pinapayagan ang content na nagsusulong ng karahasan o pagkapoot laban sa mga indibidwal o grupo batay sa alinman sa mga sumusunod na attribute, na nagpapabatid ng status bilang protektadong grupo sa ilalim ng patakaran ng YouTube:

  • Edad
  • Caste
  • Kapansanan
  • Etnisidad
  • Pagpapahayag at Pagkakakilanlang Kasarian
  • Nasyonalidad
  • Lahi
  • Status sa Imigrasyon
  • Relihiyon
  • Kasarian
  • Sekswal na Oryentasyon
  • Mga biktima ng malaki at marahas na pangyayari at ang kanilang mga kaanak
  • Status ng Pagiging Beterano

Kung makakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito. Available dito ang mga tagubilin para sa pag-uulat ng mga paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung nakakita ka ng ilang video o komentong gusto mong iulat, puwede mong iulat ang channel.

Ang epekto ng patakarang ito sa iyo

Kung nagpo-post ka ng content

Huwag mag-post ng content sa YouTube kung ang layunin ng content na iyon ay gawin ang isa o higit pa sa mga sumusunod:

  • Nanghihikayat ng karahasan laban sa mga indibidwal o grupo batay sa kanilang status bilang protektadong grupo. Hindi namin pinapayagan sa YouTube ang mga pagbabanta, at itinuturing naming mga tunay na banta ang mga ipinagpapalagay na paghikayat ng karahasan. Puwede kang matuto pa tungkol sa aming mga patakaran sa mga pagbabanta at panliligalig.
  • Mang-udyok ng poot laban sa mga indibidwal o grupo batay sa alinman sa kanilang status bilang protektadong grupo.

Iba pang uri ng content na labag sa patakarang ito

  • Pagpapababa ng pagkatao ng mga indibidwal o grupo sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang subhuman o paghahalintulad sa kanila sa mga hayop, insekto, peste, sakit, o anupamang entity na hindi tao batay sa kanilang status bilang protektadong grupo.
  • Pagpuri o pagdiwang sa karahasan laban sa mga indibidwal o grupo batay sa kanilang status bilang protektadong grupo.
  • Paggamit ng mga salitang nang-iinsulto ng lahi, relihiyon, o iba pang nakakasakit na salita at stereotype na nag-uudyok o nagsusulong ng pagkapoot batay sa status bilang protektadong grupo. Puwedeng nasa anyo ito ng pananalita, text, o larawang nagsusulong sa mga stereotype na ito o nagtuturing sa mga ito bilang katunayan.
  • Pagpapalagay na ang mga indibidwal o pangkat ay mas mahina sa pisikal o mental na paraan, may kakulangan, o may sakit batay sa kanilang status bilang protektadong grupo. Kasama na rito ang mga pahayag na mas mahina ang isang grupo kaysa sa isa pa, at pagtawag sa kanila bilang hindi gaanong matalino, wala gaanong kakayahan, o may depekto. Kasama rin dito ang mga panlulupig o paniniil sa mga indibidwal o grupo batay sa kanilang status bilang protektadong grupo.
  • Pagsusulong ng mapoot na supremacism sa pamamagitan ng pagpapalagay ng pagiging superior ng isang grupo kaysa sa mga grupong may status bilang protektadong grupo para mapangatwiranan ang karahasan, diskriminasyon, paghihiwalay, o pagbubukod. Kasama rito ang content na naglalaman ng mapoot na supremacist propaganda, gaya ng pag-recruit ng mga bagong miyembro o request para sa pinansyal na suporta para sa kanilang paniniwala, at mga music video na nagsusulong ng mapoot na supremacism sa lyrics, metadata, o koleksyon ng imahe.
  • Mga conspiratorial claim na masama, mapanira, o mapaminsala ang mga indibidwal o grupo batay sa kanilang status bilang protektadong grupo.
  • Pagtanggi o pagmamaliit ng malaki at marahas na pangyayaring naidokumento nang maayos o ng pagiging biktima ng naturang pangyayari.
  • Mga pag-atake sa mga indibidwal o grupo batay sa kanilang emosyonal, romantiko, at/o sekswal na pagkagusto sa ibang tao.

Pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, at pansining na content

Posibleng payagan namin ang content na may mapoot na salita kung may kontekstong pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining ang content. Posibleng kasama sa karagdagang konteksto ang pambabatikos, pagpapabulaanan, kabilang ang mga salungat na pananaw, o panunuya ng mapoot na salita. Hindi ito pahintulot na magsulong ng mapoot na salita. Kasama sa mga halimbawa ang:

  • Dokumentaryo tungkol sa isang hate group: Papayagan ang pang-edukasyong content na hindi sumusuporta sa grupo o hindi nagsusulong ng mga ideya. Hindi papahintulutan ang dokumentaryong nagsusulong ng karahasan o poot.
  • Dokumentaryo tungkol sa siyentipikong pag-aaral sa mga tao: Papahintulutan ang dokumentaryo tungkol sa kung paano nagbago ang mga teorya sa paglipas ng panahon, kahit kasama rito ang mga teorya tungkol sa pagiging mas mahina o mas malakas ng mga partikular na grupo, dahil pang-edukasyon ito. Hindi namin papahintulutan ang dokumentaryong naghahayag na may siyentipikong ebidensya sa panahon ngayong nagsasabing mas mahina o subhuman ang isang indibidwal o grupo.
  • Makasaysayang footage ng isang event, tulad ng WWII, na hindi nagsusulong ng karahasan o pagkapoot. 

Nalalapat ang patakarang ito sa mga video, paglalarawan ng video, komento, live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Pakitandaang nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwedeng kasama rito ang mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta ng mga user sa iba pang site sa video, at iba pang anyo. 

Para sa pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining na content na may mapoot na salita, dapat na lumabas ang kontekstong ito sa mga larawan o audio ng mismong video. Hindi sapat na nakalagay lang ito sa pamagat o paglalarawan.

Pag-monetize at iba pang multa 

Sa ilang bihirang sitwasyon, posible kaming mag-alis ng content o magbigay ng iba pang multa kapag ang isang creator ay:

  • Paulit-ulit na nanghihikayat ng mapang-abusong gawi ng audience.
  • Paulit-ulit na nagta-target, nang-iinsulto, at nang-aabuso ng grupo batay sa status bilang protektadong grupo sa maraming upload.
  • Naglalantad ng grupong may status bilang protektadong grupo sa mga panganib ng pisikal na pinsala batay sa lokal na panlipunan o pampulitikang konteksto.
  • Gumagawa ng content na naglalagay sa ecosystem ng YouTube sa panganib sa pamamagitan ng patuloy na pag-uudyok ng karahasan laban sa isang grupong may status bilang protektadong grupo para sa personal na pinansyal na kapakinabangan.

Mga Halimbawa

Narito ang mga halimbawa ng mapoot na salitang hindi pinapahintulutan sa YouTube.

  • “Masaya akong nangyari ang [marahas na pangyayaring] ito. Nangyari ang nararapat na mangyari sa kanila [tumutukoy sa mga taong may status bilang protektadong grupo].”
  • “Mga aso ang [mga taong may status bilang protektadong grupo]” o “Tulad ng mga hayop ang [mga taong may status bilang protektadong grupo].”

Higit pang halimbawa

  • “Lumabas kayo ngayon at manuntok ng [taong may status bilang protektadong grupo].”
  • “Mga kriminal at sanggano ang lahat sa [mga grupong may status bilang protektadong grupo].”
  • “Kutong lupa ang [taong may status bilang protektadong grupo].”
  • “Sakit ang [mga taong may status bilang protektadong grupo].”
  • “Hindi natin kasing talino ang [mga taong may status bilang protektadong grupo] dahil mas maliit ang utak nila.”
  • “Banta sa ating buhay ang [grupong may status bilang protektadong grupo], kung kaya't dapat natin silang itaboy tuwing may pagkakataon tayo.”
  • “May agenda [ang grupong may status bilang protektadong grupo] na sakupin ang mundo at supilin tayo.”
  • “Ang [status bilang protektadong grupo] ay isang anyo lang ng sakit sa pag-iisip na kailangang gamutin.”
  • “Hindi dapat papasukin sa mga paaralan ang [mga taong may status bilang protektadong grupo] dahil hindi sila dapat makapag-aral.”
  • “Umaarte lang ang lahat ng kunwaring biktima ng marahas na pangyayaring ito. Wala namang nasaktan, at isang pagkakamali lang ang pag-flag dito.”
  • “May mga taong namatay sa pangyayari, pero talagang kaunti lang.”
  • Pagsigaw ng “mga peste ang [mga taong may status bilang protektadong grupo]!” sa isang tao kahit na mayroon o wala ng sinasabing status bilang protektadong grupo ang taong iyon. 
  • Content ng video game na binuo o binago (“modded”) para mag-promote ng karahasan o poot laban sa isang grupong may alinman sa mga katangiang nakasaad sa itaas.

Pakitandaang ilang halimbawa lang ang mga ito, at huwag mag-post ng content kung sa tingin mo ay posibleng labag ito sa patakarang ito.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na na-post mo, puwede naming alisin ang link. Tandaan na ang mga lumalabag na URL na na-post sa loob mismo ng video o sa metadata ng video ay posibleng magresulta sa pag-aalis ng video.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Magkakaroon ka ng pagkakataong sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung malalabag ang parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala.

Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.

Kung sa tingin namin ay halos maituturing na mapoot na salita ang iyong content, posible naming limitahan ang mga feature ng YouTube na available para sa content na iyon. Puwede ka pang matuto tungkol sa mga limitadong feature dito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15796701075647978747
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false