Tumanggap ng imbitasyon sa isang Content Manager account

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube Studio. Makipag-ugnayan sa iyong Partner Manager sa YouTube para makakuha ng access.

Kapag nakatanggap ka ng imbitasyong sumali sa Content Manager account ng iyong organisasyon, kailangan mong tanggapin ang imbitasyon bago mo ma-access ang Content Manager.

Paano tumanggap ng imbitasyon

  1. Buksan ang email ng imbitasyon. Ipinadala ang email na ito mula sa noreply@youtube.com at may paksa itong Imbitasyong mamahala ng content para sa {iyong organisasyon} sa YouTube.

  2. I-click ang link sa nilalaman ng email.
  3. Mag-sign in sa YouTube gamit ang Google account na gusto mong gamitin para sa pamamahala ng content ng iyong organisasyon. Puwede kang gumamit ng kasalukuyang Google account o gumawa ng Google account.
    • Piliin ang Gumamit ng kasalukuyang Google account kung mayroon kang kasalukuyang Google account na ginagamit mo para sa trabaho.
    • Piliin ang Gumawa ng bagong Google account kung wala kang account o kung gusto mong gumawa ng hiwalay na account para sa pamamahala ng content ng iyong organisasyon.

Kapag naka-sign in ka na, puwede mong simulang pamahalaan ang content ng iyong organisasyon, nang napapailalim sa mga pahintulot na ibinigay sa iyo ng taong nag-imbita sa iyo.

Matuto pa tungkol sa mga feature at tool ng Content Manager: Alamin ang pasikot-sikot sa Content Manager ng Studio.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12211070660851378797
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false