Gamitin ang YouTube sa pamamagitan ng screen reader

Makuha ang pinakamagandang karanasan sa YouTube sa pamamagitan ng screen reader ng computer gamit ang mga tip sa page na ito. Awtomatikong nao-on ang mga keyboard shortcut kapag gumamit ka ng YouTube.

Maghanap sa YouTube at Mga resulta ng paghahanap

Maghanap ng mga video sa YouTube

  1. Pumunta sa YouTube.
  2. Pumunta sa Box para sa paghahanap sa itaas ng page gamit ang keyboard key na /
  3. Maglagay ng termino para sa paghahanap at pindutin ang Enter.

Mga resulta ng paghahanap

May seksyong "Ang ibig mo bang sabihin ay" sa page ng resulta ng paghahanap na nagmumungkahi ng mga wastong salita kung may namali ka ng spelling. Mayroon ng sumusunod na impormasyon ang bawat isa sa mga resulta ng paghahanap:

  • Ang pamagat ng video  -- mape-play ang video kapag pinili ito. 
  • Ang pangalan ng channel na nag-post ng video.
  • Gaano na katagal na-upload ang video at ilang beses na itong pinanood.
  • Isang snippet mula sa paglalarawan sa video.

Ang YouTube Player

Kapag nag-click ka ng video, mapupunta ka sa video player ng YouTube. Narito ang mga seksyong gagamitin mo sa player:

Mga header ng seksyon

H1 para sa pamagat ng video

Sa player

  • Seek slider: Ginagamit ang seek slider para i-fast forward o i-rewind ang video. Para gamitin ang seek slider, i-off muna ang Virtual cursor pagkatapos ay mag-tab sa slider. Gamitin ang pakaliwa/pakanan o pataas/pababa na arrow key para i-fast forward/i-rewind ang video.
  • I-play/i-pause: Nagbabago ang text sa button batay sa status ng video. Para i-replay ang video, piliin ang button na I-play o K pagkatapos huminto sa pag-play ang video.
  • Susunod: Nagbibigay-daan sa iyo ang button na ito na lumaktaw sa susunod na video. Kung wala kang media button, puwede ka ring lumaktaw sa susunod na video gamit ang Shift+N
  • I-mute/i-unmute: Nagbabago ang button na ito depende kung naka-mute o hindi naka-mute ang video.
  • Slider ng volume: Gamitin ang pakaliwa/pakanan o pataas/pababa na arrow key para lakasan/hinaan ang volume.
  • Oras na lumipas/kabuuang tagal: Ipinapakita sa seksyong ito ang kabuuang oras na lumipas kumpara sa kabuuang tagal ng video. Ipinapakita nito sa iyo kung gaano na kahaba ang na-play sa video at kung gaano pa katagal ang ipe-play. 
  • CC (Mga Subtitle): Kung may mga subtitle ang video, puwede mong i-activate ang mga ito sa pamamagitan ng shortcut na C . Nasa ibaba ng video ang mga subtitle. Para i-off ang mga subtitle, gamitin ulit ang shortcut na C .

Mga Setting 

Ang button na Mga Setting ay nagbubukas ng menu na nagbibigay-daan sa iyong gawin ang mga sumusunod na pagbabago:

  • Mga Anotasyon: I-on o i-off ang mga anotasyon.
  • Bilis ng pag-playback: Piliin ang bilis ng video mula sa normal, pinabilis, o pinabagal.
  • Mga Subtitle/CC: I-on o i-off ang mga subtitle. Puwede mo ring piliin ang wika ng mga subtitle dito, o piliin ang auto-translation.
  • Kalidad: Piliin ang kalidad ng pixel ng video na kasalukuyan mong pinapanood. Nakadepende ang mga available na resolution sa kung paano na-upload ang video at sa bilis ng iyong internet. Inirerekomenda naming iwan sa Auto ang opsyong ito para mapili ang kalidad ng video batay sa bilis ng iyong internet.

Theater mode

Piliin ang Theater mode  para ma-expand ang player. Para bumalik sa orihinal na laki ang player, pindutin ulit ito.

Full screen

Kapag pinili ang Full screen,  ima-maximize ang player sa laki ng iyong screen at aalisin ang lahat ng nasa labas ng player. Para umalis sa full-screen mode, pindutin ang Escape.

Magagamit din ang full screen kung gusto mong alisin ang mga karagdagang element sa HTML page sa paligid ng player. Ang player lang mismo ang matitira.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16196208796704718402
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false