Mag-embed ng mga video at playlist

Puwede kang magdagdag ng video o playlist sa YouTube sa isang website o blog sa pamamagitan ng pag-embed nito.

Kung isa kang educator, makipag-ugnayan sa iyong platform ng Teknolohiyang Pang-edukasyon para sa impormasyon tungkol sa kung paano mag-embed ng content sa YouTube para sa mga klase mo.

Nalalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyo at Mga Patakaran ng Developer ng YouTube API sa lahat ng pag-access at paggamit ng naka-embed na player ng YouTube.

Mag-embed ng video o playlist

  1. Sa isang computer, pumunta sa video o playlist sa YouTube na gusto mong i-embed.
  2. I-click ang IBAHAGI .
  3. Mula sa listahan ng mga opsyon sa Pagbabahagi, i-click ang I-embed.
  4. Sa lalabas na kahon, kopyahin ang HTML code.
  5. I-paste ang code sa HTML ng iyong website.
  6. Para sa mga administrator ng network: Kakailanganin ninyong idagdag ang youtube.com sa allowlist ng firewall.
  7. Mahalaga: Kung para sa bata ang iyong website o app at mag-e-embed ka ng content mula sa YouTube, dapat mong tukuyin na para sa bata ang iyong sariling site o app gamit ang mga tool na ito. Matitiyak ng pagtukoy sa sarili na ito na hindi maghahatid ang Google ng mga naka-personalize na ad sa mga site o app na ito at mao-off ang ilang feature sa naka-embed na player.
Tandaan: Hindi mapapanood sa karamihan ng mga 3rd party na website ang mga video na pinaghihigpitan ayon sa edad. Kapag na-play, ire-redirect ng mga video na ito ang mga manonood pabalik sa YouTube.

Pamahalaan ang mga opsyon sa pag-embed ng video

I-on ang privacy-enhanced mode

Pinipigilan ng Privacy Enhanced Mode ng naka-embed na player ng YouTube na maimpluwensyahan ng paggamit ng mga panonood ng naka-embed na content sa YouTube ang experience sa pag-browse ng manonood sa YouTube. Ibig sabihin nito, hindi gagamitin ang panonood ng video na ipinapakita sa Privacy Enhanced Mode ng naka-embed na player para i-personalize ang experience sa pag-browse sa YouTube, sa iyong naka-embed na player sa Privacy Enhanced Mode man o sa kasunod na experience sa panonood sa YouTube ng manonood.

Kung maghahatid ng mga ad sa video na ipinapakita sa Privacy Enhanced Mode ng naka-embed na player, hindi rin magiging naka-personalize ang mga ad na iyon. Bukod pa rito, ang panonood ng video na ipinapakita sa Privacy Enhanced Mode ng naka-embed na player ay hindi gagamitin para i-personalize ang pag-advertise na ipinapakita sa manonood sa labas ng iyong site o app.

Bilang paalala, nalalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyo at Mga Patakaran ng Developer ng YouTube API sa pag-access at paggamit ng naka-embed na player sa YouTube.

Para gamitin ang Privacy Enhanced Mode:

  1. Palitan ang domain para sa URL ng pag-embed sa iyong HTML at gawin itong https://www.youtube-nocookie.com mula sa https://www.youtube.com.
  2. Para sa mga administrator ng network: Kakailanganin ninyong idagdag ang youtube-nocookie.com sa allowlist ng firewall.
  3. Para sa paggamit sa mga application, gumamit ng instance ng WebView ng naka-embed na player. Available lang ang Privacy Enhanced Mode para sa mga naka-embed na player sa mga website.
  4. Mahalaga: Kung para sa bata ang iyong website o app, dapat mong tukuyin na para sa bata ang sarili mong site o app gamit ang mga tool na ito, alinsunod sa nire-require ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng YouTube API at Mga Patakaran ng Developer, kahit na nag-e-embed ka ng mga video sa YouTube gamit ang player ng Privacy Enhanced Mode.

Halimbawa:

Bago palitan

<iframe width="1440" height="762"

src="https://www.youtube.com/embed/7cjVj1ZyzyE"

frameborder="0" allow="autoplay; encrypted-media" allowfullscreen></iframe>

Pagkatapos palitan

<iframe width="1440" height="762" src="https://www.youtube-nocookie.com/embed/7cjVj1ZyzyE"

frameborder="0" allow="autoplay; encrypted-media" allowfullscreen></iframe>

Paalala: Kung magki-click o magta-tap ang manonood sa labas ng pag-embed at mare-redirect siya sa ibang website o app, puwedeng i-track ng website o app na iyon ang gawi ng manonood alinsunod sa mga patakaran at tuntunin ng website o app na iyon.

Gawing awtomatikong nagpe-play ang isang naka-embed na video

Para mag-autoplay ang isang naka-embed na video, idagdag ang "&autoplay=1" sa embed code ng video pagkatapos ng video ID (ang serye ng mga titik kasunod ng "embed/").

Hindi nadaragdagan ng mga naka-autoplay na naka-embed na video ang mga panonood ng video.

Halimbawa:

<iframe width="560" height="315"
src="https://www.youtube.com/embed/D6Ac5JpCHmI?&autoplay=1"frameborder="0"
allowfullscreen></iframe>
Magsimula ng naka-embed na video sa isang partikular na oras

Para masimulang i-play ang isang video mula sa partikular na punto, idagdag ang “?start=” sa embed code ng isang video, na sinusundan ng oras na nasa segundo kung kailan mo gustong simulang i-play ang video.

Halimbawa, kung gusto mong magsimulang mag-play ang isang video pagkalipas ng 1 minuto at 30 segundo sa video, ganito dapat ang magiging hitsura ng iyong embed code:

<iframe allowfullscreen="" frameborder="0" height="315" src="http://www.youtube.com/embed/UkWd0azv3fQ?start=90" width="420"></iframe>
Magdagdag ng mga caption sa isang naka-embed na video

Awtomatikong palabasin ang mga caption para sa isang naka-embed na video sa pamamagitan ng pagdaragdag ng "&cc_load_policy=1" sa embed code ng video.

Puwede ka ring pumili ng wika ng caption para sa naka-embed na video. Para maitakda ang wika ng caption para sa video na gusto mong i-embed, idagdag lang ang "&cc_lang_pref=fr&cc_load_policy=1" sa embed code ng video.

  • Itinatakda ng "cc_lang_pref" ang wika para sa mga caption na ipinapakita sa video.
  • Ino-on ng "cc_load_policy=1" ang mga caption bilang default.
  • Kumakatawan ang "fr" sa language code para sa French. Puwede kang maghanap ng mga language code na may 2 titik sa pamantayan ng ISO 639-1.
I-off ang pag-embed para sa iyong mga video
Kung nag-upload ka ng video at ayaw mong payagan ang ibang tao na i-embed ang iyong video sa mga external na site, sundin ang mga hakbang na ito:
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Sa tabi ng video na gusto mong pamahalaan, piliin ang Mga Detalye .
  4. Mula sa ibaba, piliin ang MAGPAKITA PA.
  5. I-uncheck ang kahon sa tabi ng "Payagan ang pag-embed" at I-SAVE.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13449497599126257349
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false