Ang Ask YouTube ay isang bago at conversational na paraan ng paghahanap na makakatulong sa paraan ng paghahanap mo ngayon. Gumagamit ang paghahanap gamit ang Ask YouTube ng real-time na impormasyon mula sa web at ng content sa YouTube para masagot ang mga kumplikadong tanong at matulungan kang mag-explore pa ng mga paksa sa YouTube.
Pinagsasama-sama ng mga sagot ang mga long-form video, Short, at text. Puwede ring magsama ang mga sagot ng mga nauugnay na clip mula sa mga video, na may kasamang pamagat ng video at mga detalye ng channel, para mapadali ang pagpunta sa pinakakapaki-pakinabang na content mula sa iyong paghahanap. Sa experience na ito sa paghahanap, puwede mo ring i-refine at i-follow up ang iyong paunang tanong. Para sa mga creator, nag-aalok ang feature na ito ng karagdagang path para matuklasan ng mga manonood ang iyong content.
Availability
Kasalukuyang available ang feature sa mga user sa United States na naghahanap sa English sa isang computer, mobile, o TV device. Unti-unting pinapalawak ang availability sa higit pang user.
Paano maghanap gamit ang Ask YouTube
- Pumunta sa YouTube sa iyong desktop at i-click ang Search bar.
- I-click ang Ask YouTube
.
- Maglagay ng tanong o prompt sa natural na wika, gaya ng "plan a 3-day roadtrip from San Francisco to Santa Barbara (magplano ng 3 araw na roadtrip mula San Francisco hanggang Santa Barbara)."
- Suriin ang iyong sagot.
- Puwede mong basahin ang mga sagot na text at panoorin ang mga video clip mula mismo sa sagot. Magpe-play ang mga video kapag nag-hover sa mga ito, simula sa timestamp na pinakanauugnay sa iyong tanong. Ipinapakita ng mga video sa sagot ang pangalan ng channel at ang pamagat ng video ng creator para matulungan kang piliin kung ano ang papanoorin nang buo.
- Para matuto pa o i-adjust ang mga sagot, pumili ng isa sa mga suhestyon para i-refine ang iyong paghahanap, o mag-type ng bagong tanong sa field na Mag-follow up sa ibaba ng sagot.
Maghanap gamit ang Ask YouTube sa iyong smart TV o gaming console
- Pumunta sa tab na YouTube Home
o Maghanap
.
- Piliin ang button na
sa screen o ang button ng mikropono sa iyong remote para maghanap gamit ang boses, o piliin ang keyboard.
- Magtanong sa YouTube ng isang bagay sa natural na wika, gaya ng "magplano ng 3 araw na road trip mula San Francisco hanggang Santa Barbara" o isang simpleng bagay tulad ng "Sushi."
- Piliin ang button na Ask YouTube
sa ibaba ng mga resulta. Suriin ang iyong sagot. Tandaan: Kapag naghahanap gamit ang boses, posibleng awtomatikong magbukas ang Ask YouTube para makatulong na masagot ang mga kumplikadong tanong.
- Puwede mong basahin ang mga sagot na text at panoorin ang mga video clip mula mismo sa sagot. Magpe-play ang mga video kapag nag-hover sa mga ito, simula sa timestamp na pinakanauugnay sa iyong tanong. Ipinapakita ng mga video sa sagot ang pangalan ng channel at ang pamagat ng video ng creator para matulungan kang piliin kung ano ang papanoorin nang buo.
- Para matuto pa o i-adjust ang mga sagot, pumili ng isa sa mga suhestyon para i-refine ang iyong paghahanap, o piliin ang button na mikropono para magtanong ng follow-up gamit ang iyong boses.
- Kapag naghahanap gamit ang Ask YouTube, palaging tingnan ang mahalagang impormasyon sa mahigit sa isang lugar. Matuto pa tungkol sa kung paano suriin ang impormasyong mahahanap mo gamit ang Google.
- Magtanong ng maraming bersyon ng iyong tanong para makuha ang pinakamagagandang sagot. Subukang humingi ng iba't ibang opinyon o humingi ng higit pang detalye.
- Para lang sa pagbibigay ng impormasyon ang mga binubuong sagot. Hindi sinasalamin ng mga ito ang mga pananaw ng YouTube. Puwedeng mag-iba ang kalidad at katumpakan ng mga sagot na binubuo ng AI. Huwag umasa sa mga binubuong sagot para sa medikal, legal, pinansyal, o iba pang propesyonal na payo. Palaging kumonsulta sa propesyonal para sa propesyonal na payo.
- Magpadala ng feedback kung mukhang may mali. Nakakatulong sa amin ang iyong feedback na gumawa ng mga pagpapahusay.
Mga Madalas Itanong
Bakit mas matagal mag-load ang paghahanap gamit ang Ask YouTube kaysa sa mga resulta ng standard search?
Puwedeng mas matagalan ang paghahanap gamit ang Ask YouTube kaysa sa mga paghahanap ng keyword dahil maraming sinusuring uri ng content at source sa mga binubuong sagot, gaya ng real-time na impormasyon mula sa web at content sa YouTube, para bumuo ng komprehensibong sagot. Aktibo kaming nagsisikap na mapabilis ang mga sagot.
Anong data ang kinokolekta? Paano ito ginagamit?
Kapag ginamit mo ang paghahanap gamit ang Ask YouTube, kokolektahin namin ang data tungkol sa paggamit mo sa tool, pati ang mga query at feedback na isusumite mo sa mga sagot na matatanggap mo. Tumutulong sa amin ang data na ito na ibigay, pahusayin, at i-develop ang aming mga produkto at serbisyo.
Puwede mong suriin at i-delete ang mga nakaraang pag-uusap sa Ask YouTube sa Aking Aktibidad. Matuto pa tungkol sa pag-access at pagkontrol ng aktibidad. Puwede ka ring mag-delete ng mga nakaraang pag-uusap sa Ask YouTube nang direkta mula sa iyong history ng search bar. Ang pinakabagong pag-uusap lang ang aalisin kapag nag-delete ng paksa sa iyong history ng search bar. Kung maraming beses kang naghanap ng isang paksa, posibleng nakikita pa rin ang mga naunang pag-uusap. Para i-delete ang lahat ng pag-uusap sa Ask YouTube tungkol sa isang paksa, i-delete ang mga ito sa Aking Aktibidad.
Para makatulong sa kalidad at mapahusay ang aming mga produkto, puwedeng basahin, gawan ng mga tala, at iproseso ng mga taong tagasuri ang iyong mga pag-uusap sa tool na ito. Nagsasagawa kami ng mga hakbang para protektahan ang iyong privacy, kasama ang pagdiskonekta ng mga pag-uusap mo sa iyong Google Account bago makita ng mga tagasuri ang mga ito, at paggamit ng mga naka-automate na tool para mag-alis ng personal na impormasyon gaya ng mga email address at numero ng telepono. Hiwalay na pinapanatili ang mga pag-uusap na nasuri ng mga taong tagasuri nang hanggang 3 taon.
Para magsumite ng feedback:
- Mag-scroll papunta sa ibaba ng sagot.
- Piliin ang icon na thumbs up o thumbs down.
- Opsyonal na magbigay ng higit pang detalye tungkol sa iyong experience.
Para mag-ulat ng sagot para sa mga legal na dahilan:
- Sa isang sagot, piliin ang thumbs down.
- Piliin ang Mag-ulat ng mga legal na isyu.
- Sundin ang mga prompt para mag-ulat ng legal na isyu.
Ang feedback ay:
- Sinusuri ng mga team na may espesyal na pagsasanay. Kinakailangan ang pagsusuri ng tao para makatulong sa pagtukoy, paglutas, at pag-ulat ng mga potensyal na problemang binanggit sa feedback, kabilang ang nire-require sa ilalim ng mga naaangkop na batas.
- Ginagamit nang naaayon sa aming Patakaran sa Privacy. Ginagamit ng YouTube ang data na ito para magbigay, magpahusay, at mag-develop ng mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine learning ng YouTube, gaya ng mas detalyadong ipinapaliwanag sa aming Patakaran sa Privacy.
Kung gusto mong tingnan ang feedback na isinumite mo tungkol sa mga AI tool at feature ng YouTube, pakibisita ang page na Aking Aktibidad.
Puwede ko bang i-adjust ang istilo ng mga sagot?
Paano pinipili ang mga video clip?
Katulad ng experience sa standard Search sa YouTube, isinasapriyoridad ng ranking system para sa mga sagot sa paghahanap gamit ang Ask YouTube ang kaugnayan, engagement, at kalidad. Tinutukoy ng system ang mga nauugnay na video clip na direktang sumasagot sa iyong tanong para tulungan kang makahanap ng partikular na impormasyon sa efficient na paraan.